• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

72 DRINKING FOUNTAINS IPINAGKALOOB SA MGA PAMPUBLIKONG ESKWELAHAN SA LUNGSOD QUEZON

BILANG bahagi ng ika 26 anibersaryo ng Manila Water ngayong Agosto, inilunsad nito sa pamamagitan ng Manila Water Foundation (MWF) ang “Project Drink 72” na nagkaloob ng refrigerated drinking fountains (RDFs) sa 72 pampublikong eskwelahan sa lunsod Quezon.

 

 

Ipinagkaloob ng Manila Water ang RDFs sa unang 20 pampublikong iskwelahan na ginanap sa Balara Elementary School sa Lunsod Quezon.

 

 

Dumalo sa seremonya sina Manila Water President at CEO Jocot De Dios, QC Mayor Joy Belmonte, MWSS Administrator Bobby Cleofas, Department of Education Quezon City Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, MWF Executive Director Reginald Andal, Manila Water East Zone Business Operations Group Director Shoebe Caong, at mga prinsipal, titser at mga mag-aaral.

 

 

Kabilang sa mga unang tumanggap na paaralan ang Balara Elementary School, Balara High School, Batino Elementary School, Camp Crame Elementary School, Camp Crame High School, Krus na Ligas Elementary School, Krus na Ligas High School, Malaya Elementary School, Sto. Cristo Elementary School, Culiat Elementary School, Pinyahan Elementary School, Quirino High School, San Francisco High School, Bungad Elementary School, New Era Elementary School, Old Balara Elementary School, Pasong Tamo Elementary School, Project 3 Elementary School, Tandang Sora Elementary School, at Teodora Alonzo Elementary School na may kabuoang 59,000 mag-aaral.

 

 

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, umaasa ang Manila Water na makabahagi sa pagkakaroon ng magandang kalusugan at kapakanan ng mga estudyante, gayundin sa paggawa ng conducive learning environment na may sapat na access sa malinis at inuming tubig, safely-managed sanitation facilities at hygiene supplies.

 

 

“Hopefully, ang mga bata, maiiwasan ang mga matatamis na inumin. Tubig po ang tunay na kailangan natin for our health. Ang mga fountain na ito will hopefully deter or prevent us from using plastic kasi masama po talaga yan sa ating environment,” ani De Dios.

 

 

Sa kanyang talumpati naman, ipinahayag ni Mayor Belmonte ang kanyang pasasalamat sa Manila Water sa pagsuporta sa mga adbokasiya na pinaprayoridad din ng Pamahalaan ng Lunsod Quezon.

 

 

“Alam naman natin na isa sa mga adbokasiya natin ay siguraduhing malulusog ang ating mga kabataan. Kayo rin ang nagsimula ng Wash Program kung saan sinisiguro natin na may handwashing facilities ang ating mga paaralan. Ngayon naman, drinking fountains, alam nyo ito rin ay aking adbokasiya because we really believe that water is a basic human right that every Filipino family should have,” ani Belmonte. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • LIZA DIÑO, first Filipina na pinarangalan ng ‘French Knight in the Field of Cinema

    PINARANGALAN ang award-winning actress na si Ms. Liza Diño at dating Chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng isa sa pinakakilalang titulo ng Pransya, ang Chevalier in the French Order of Arts and Letters (“Chevalier dans l’Ordre des Arts et des Lettres”).     Ang iginagalang na parangal na ito […]

  • 5 drug suspects, nadakma sa Malabon

    LIMANG hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang dalawang ginang ang timbog sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Malabon City.     Sa kanyang report kay NPD Acting Dirrector P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang […]

  • DepEd, nag-hire ng 3,200 learning support aides (LSAs)

    NAG-HIRE o tumanggap ang Department of Education (DepEd) ng 3,200 learning support aides (LSAs) para tulungan ang mga estudyante na walang magulang o guardians na mangangasiwa sa kanilang pag-aaral sa kanilang tahanan.   Sinabi ni Education Undersecretary Jesus Mateo na nag-hire ang mga eskuwelahan ng LSAs na nakatira sa komunidad kung saan sila nagtuturo upang […]