• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, nag-hire ng 3,200 learning support aides (LSAs)

NAG-HIRE o tumanggap ang Department of Education (DepEd) ng 3,200 learning support aides (LSAs) para tulungan ang mga estudyante na walang magulang o guardians na mangangasiwa sa kanilang pag-aaral sa kanilang tahanan.

 

Sinabi ni Education Undersecretary Jesus Mateo na nag-hire ang mga eskuwelahan ng LSAs na nakatira sa komunidad kung saan sila nagtuturo upang maiwasan ang pagkilos habang binabawasan ang panganib na mapakalat ang bagong coronavirus.

 

“Ang kinukuha po natin ay iyong mga taong nandito sa community para ma-prevent iyong pag-transmit ng COVID,” ang pahayag nito sa Laging Handa briefing.

 

Sa bilang na 3,200 LSAs na tinanggap sa 5 rehiyon, tinatayang 2,000 ang nakatanggap na ng kanilang sahod mula sa DepEd habang ang natitirang bilang ay binayaran ng local government units ng komunidad kung saan sila nagtuturo.

 

Ani Mateo, wala namang target figure ang DepEd pagdating sa LSAs na iha-hire nito lalo pa’t nakadepende ito sa pangangailangan ng mga paaralan.

 

“Depende po iyan doon sa magiging kailangan ng paaralan para matugunan iyong pangangailangan ng mga mag- aaral,” anito.

 

Sa kabilang dako, pinayagan ng DepEd ang pagtanggap ng LSAs dahil batid nito na hindi lahat ng households ay mayroong adult o matanda na may kakayahan na tulungan ang mga estudyante na nag-aaral sa bahay ngayong school year matapos na ipagbawal ang in- person classes.

 

Idinagdag pa ni Mateo, na nag- hire ang DepEd ng 1,421 teachers mula sa private schools na apektado ng pandemiya.

 

Mula sa nasabing pigura, 1,391 ang na-absorbed ng DepEd bilang regular teachers habang ang natitira naman ay binayaran ng LGUs. (Daris Jose)

Other News
  • NBI, posibleng pumasok na rin sa imbestigasyon sa umano’y ‘tongpats system’ sa DA – DoJ

    Nakahanda raw ang Department of Justice (DoJ) na imbestigahan ang kontrobersiya sa “tongpats sytem” sa Department of Agriculture (DA).     Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon ay kinakailangan lamang na makakuha sila ng mga impormasyon hinggil sa sinasabing tongpats o suhulan sa DA partikular sa meat importation.     Tinitiyak ng kalihim […]

  • Kasong murder, inihahanda na!

    TUKOY  na ng mga awtoridad ang ‘utak’ sa naganap na pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.     Kasabay naman nito, inihahanda na rin ng pamilya Mabasa sa pag­hahain ng kasong murder sa ‘utak’ at iba pang dawit sa pagpaslang kay Lapid. Posibleng itong maisampa bukas, araw ng Biyernes o sa Lunes.     […]

  • Giannis nagbuhos ng 50-pts. sa pagkampeon ng Bucks after 50-yrs.

    Sa wakas kinoronahan na rin ang Milwaukee Bucks bilang NBA world champions makaraang tinapos na rin nila Finals series sa Game 6 laban sa mahigpit na karibal na Phoenix Suns sa score na 105-98.     Nagtapos ang serye sa 4-2.     Inabot din ng 50 taon bago muling nakatikim ng kampeonato ang Bucks […]