• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng tulong sa mga residente ng Pampanga

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong mula sa gobyerno para sa mga residente ng Pampanga na apektado ng kamakailan lamang na kalamidad.

 

 

Tiniyak ng Pangulo sa mga  sa mga ito ang patuloy na suporta ng pamahalaan.

 

 

Kabilang sa mga ahensiya na nagpaabot ng tulong sa mga residente ng Pampanga ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), the Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Agriculture (DA).

 

 

“Kaya po ‘yan po ang aking sadya rito ngayon. Kaya sana naman ay maayos ang ating pagbigay ng tulong sa ating mga kasama, sa ating mga kababayan na inabot nitong bagyong ito, saka ‘yung mga baha na naging resulta ng mga bagyo,” ayon kay Pangulong  sa nasabing event sa  Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando City.

 

 

“Kaya’t nandito lang po kami para tiyakin na maganda po ang patakbo. Mukha naman maayos ang patakbo ng ating pagbigay ng tulong sa mga nangangailangan. Nandito po ang pamahalaan ninyo at laging handa na tumulong sa lahat ng nangangailangan po,” aniya pa rin.

 

 

At dahil sa biglang pagbabago ng panahon resulta ng climate change, sinabi ng Pangulo na kailangan na tutukan ng gobyerno ang tiyakin ang kapakanan ng mga mamamayan sa panahon ng malawakang pagbaha.

 

 

Sa nasabi pa ring event, namahagi ang DSWD  ng food packs at P10,000 kada isa sa ilalim ng  Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program para sa 1,000 benepisaryo.

 

 

Sa kabilang dako, nagpaabot naman ang DOLE ng P2.3 million sa 500 benepisaryo mula Pampanga sa ilalim ng  Tulong Panghanapbuhay sa Ating mga Disadvantaged Workers (TUPAD) program.

 

 

Ang DOLE  ay mayroong standby fund na P65 million para sa  14,000 TUPAD beneficiaries at  nakapagbigay  ng panibagong P30 million noong Agosto 4 para sa TUPAD program sa Pampanga sa pamamagitan ng regional office nito.

 

 

Nagkaloob naman ang  departamento ng P6.4 million na halaga ng  livelihood assistance sa ilalim ng  DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) nito sa 7  LGUs gaya ng Candaba, Macabebe, Masantol, Arayat, Porac, at Sta. Ana, Pampanga.

 

 

Nagkaloob naman ang DA ng sertipiko na nagkakahalaga ng P21.6 million sa Province of Pampanga kung saan kabilang na rito ang “13,354 bags ng certified seeds na nagkakahalaga ng P20.2 million para sa 8,723 farmer-beneficiaries; 186 bags ng hybrid yellow corn at 15 bags ng open-pollinated variety  na nagkakahalaga ng P1.1 million para  sa 154 farmer-beneficiaries; at sari-saring vegetable seeds na nagkakahalaga ng P230,000 para sa162 farmer-beneficiaries.”

 

 

Samantala, matapos ang pamamahagi ng tulong, sumali naman si Pangulong Marcos sa situation briefing sa Pampanga Capitol para i-assess  ang pinsala ng kamakailan lamang ng mga bagyo at matinding pagbaha sa lalawigan para madetermina ang karagdagng tulong na maaaring ibigay sa apektadong populasyon. (Daris Jose)

Other News
  • National fencing team sasabak sa Olympic qualifying sa Uzbekistan

    Umaasa ang Philippine fencing team na makakabiyahe sila sa Abril patungo sa Uzbekistan para sumabak sa qualifying tournament ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Sumulat na si Philippine Fencing Association (PFA) president at Ormoc City Mayor Richard Gomez kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.     Lalahok ang mga […]

  • Malakanyang, pinangalanan na ang mga miyembro ng presidential transition team

    LUMIKHA na ang administrasyong Duterte ng transition committee na magbibigay kasiguraduhan ng “smooth” na paglilipat ng kapangyarihan sa Hunyo 30.     Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagpalabas na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Administrative Order 47 para sa paglikha ng Presidential Transition […]

  • Paghaharap nina Covington at Masvidal itinakda na sa Marso 6

    INANUNSIYO ng Ultimate Fighting Champion (UFC) ang nalalapit na paghaharap ng dalawang kilalang pangalan sa mixed martial arts.     Ayon sa UFC na kanilang inaayos na ang laban ni UFC interim welterweight champion Colby Covington laban kay fan-favorite Jorge Masvidal.     Gaganapin ang UFC 272 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, USA sa […]