• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit business course ang gustong kunin: JILLIAN, dumating na sa puntong papasukin ang medical field

NAKATUTUWA dahil makalipas ang labing-tatlong taon ay muling nagkita sina Jillian Ward at Jessica Soho.

 

Limang taon lamang si Jillian at bida sa ‘Trudis Liit’ nang nakapanayam ni Ms. Jessica ang noo’y child wonder.

 

Ngayon, at eighteen at bida sa top-rating na ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ ng GMA ay muling nainterbyu ni Ms. Soho si Jillian sa mismong set ng kanilang drama series.

 

Napag-usapan nila ang tungkol sa edukasyon ng aktres at naikuwento ni Jillian kay Jessica na dumating na raw sa punto na naisipan niyang pasukin ang medical field.

 

“Ngayon po, naiisip ko na po siya kasi sabi po sa amin ng consultant po namin na doctor, pupuwede raw po akong mag-aral ng medicine kasi raw po yung memorization ko raw po bagay daw po sa field nila.”

 

Gumaganap si Jillian bilang si Dra. Analyn Santos sa AKNP.

 

Ibinahagi rin ni Jillian kung ano talaga ang balak niyang kunin na kurso sa kanyang college life.

 

“Pero ako po kasi gusto ko po talagang i-pursue law kapag may time na po. Pero ngayon ang course na kukunin ko is business.”

 

Mahalaga kay Jillian ang pag-aaral kahit abala sa taping para sa hit GMA medical drama series, hindi niya napabayaan ang kanyang pag-aaral.

 

Kamakailan lang, nakatapagtapos sa senior high school si Jillian at ginawaran pa siya ng highest honor.

 

Abangan pa ang mga susunod na tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

 

***

 

HALOS dalawang taon na sa Pilipinas ang Koreanong doktor na si Dr. Young Cho na siyang nagma-may-ari at head doctor ng Hernel Korean Aesthetic Clinic.

 

Nais niyanh ipakilala at i-promote nang husto sa mga Pilipino ang Korean Aesthetic services.

 

 “I’ve been here a year and a half and the purpose of me going to the Philippines is to operate a Korean aesthetic clinic, which I believe no one ever has done before, to promote Korean aesthetic program to the Philippine market.”

 

Ang nagtulak raw sa kanya upang gawin ito ay ang matinding pagkagusto ng mga Pilipino sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa Korean, partikular na ang Korean drama o K-drama, bukod pa s apagkahilig ng mga Pinoy sa mga K-pop artists, maging artista man o singer, boy band man o girl group.

 

“My motivation was there is a Korean wave, culture wave is starting to boom in the Philippines and I was just trying to introduce all these Korean aesthetic programs.”

 

Dagdag naman ni Tristan Cheng na Marketing Head ng Hernel…

 

“I think the intention of Hernel is very clear, bringing in how they do it in Korea readily available here in the heart of Manila, is just…it’s a bonus for us, we all are… I would say, a part of us are patronizing Korean waves, even for food, even for entertainment, music especially, you guys know about it.

 

“And of course Filipinos are very ‘metikuloso’, if I may use that word, we are very vain when it comes to our skin, and Koreans are…if I may say, if not the best, they are the number one when it comes to taking care of their skin.

 

“So, I think it’s just good that Hernel is here, and it is an advantage for everyone, and hopefully bringing in better service by bringing in more branches to come.”

 

Si Dr. Cho ay matalik na kaibigan ng dating manager ng Korean superstar na si Hyun Bin kaya naman personal niya ring kilala si Hyun Bin at ang asawa nito.

 

Kaya tiyak na ikakatuwa ng mga Pinoy fans ni Hyun Bin na may posibilidad na dalhin ni Dr. Cho dito sa Pilipinas ang Korean superstar.

 

Ang Hernel Aesthetic Clinic ay nasa ground floor ng Seibu Tower, 26th Ave. corner 1634 Durian St, Taguig.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • 2 arestado sa sugal at shabu sa Valenzuela

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki matapos maaktuhan ng pulisya na naglalaro ng ilegal na sugal at makuhanan pa ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.       Sa report ni PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador DesturaJr., habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Dalandanan Sub-Station 6 […]

  • 7 durugista nabitag sa drug ops sa Valenzuela

    PITONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot ang nalambat ng pulisya sa magkakahiwalay na drug operation sa Valenzuela.     Ani PCpl Pamela Joy Catalla, alas-5 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa San Vicente St., Brgy. […]

  • PBBM, may 80 infra projects maaaring pondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund

    TINATAYANG  80 infrastructure projects, ang maaaring pondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF).     Ipinahayag ito ng Pangulo sa  isinagawang  Philippine Economic Briefing sa  Ritz-Carlton Hotel.     “In addition, we look forward to the operationalization of the Maharlika Investment Fund, the country’s first ever sovereign investment fund. It will serve as an […]