• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tax amnesty extension, naging ganap na batas

NAGING ganap na batas na  ang ipinasang panukalang batas na layong palawigin ang deadline ng pagkuha ng estate tax amnesty ng dalawa pang taon o hanggang June 2025.

 

 

Kahit wala ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., “the availment of the estate tax amnesty  lapsed into law on August 5.

 

 

Nakasaad sa Republic Act No. 11956, pinalalawig ang Estate Tax Amensty  period  ng hanggang Hunyo 14, 2025 at kasama rito ang estates  o  ari-arian ng mga namatay sa araw mismo o bago ang  Mayo 31, 2022.

 

 

Naka-uploaded ito sa Official Gazette, araw ng Martes, Agosto 8.

 

 

Nakapaloob sa Section 4 ng batas na pinahihintulutan ang pagbabayad ng installment sa loob ng dalawang taon mula sa original payment date na walang kaukulang civil penalty at interest.

 

 

Ang pagbabayad ng amnesty tax  ay maaaring gawin sa pamamagitan ng  “electronically o manually, at the time the Return is filed with any authorized agent bank, Revenue District Officer through the Revenue Collection Officer or authorized tax software provider.”

 

 

Inaatasan naman ang  Secretary of Finance, na makipag-ugnayan sa Commissioner ng Bureau of Internal Revenue, sa pagbalangkas ng rules and regulations sa loob ng 30 araw mula sa effectivity ng batas.

 

 

Ang nasabing  batas ay magiging epektibo, 15 araw matapos ang publikasyon sa  Official Gazette o sa dalawang pahayagan na may general circulation. (Daris Jose)

Other News
  • Bilang bahagi ng ibayong paghahanda sa Bagyong Marce: Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, nasa ‘high alert’

    INILAGAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa ‘high alert’ bilang bahagi ng ibayong paghahanda sa Bagyong Marce.   “Salubungin natin ang Bagyong Marce na may ibayong paghahanda, sa abot ng ating makakaya, alinsunod sa mga matagal ng nailatag na mga patnubay sa ganitong hamon,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. […]

  • Estudyante, ginang sugatan sa shotgun sa Navotas

    SUGATAN ang isang estudyante at 35-anyos na ginang matapos masapul ng ligaw na bala nang walang habas na paputukan ng shotgun ng isang fish porter ang kanyang mga kainiuman sa Navotas City.     Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanilang katawan ang mga biktimang sina Erabel Esgana, merchandiser at […]

  • JEROME, NIKKO at DAVE, ihahatid ang pangmalakasang ‘good vibes’ sa first digital series ng Puregold Channel

    ANG GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes ang first digital series na hatid ng Puregold Channel (YouTube at Facebook) na libreng mapapanood simula sa Hulyo 10, Sabado ng 7:00 PM.     Bida sa naturang comedy series ang tatlo sa hottest and most exciting leading men ngayon na sina Jerome Ponce, Nikko Natividad at Dave Bornea, na […]