• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HALOS P35 MILYON SHABU NASABAT SA CALOOCAN BUY-BUST

PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Debold Sinas ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit sa matagumpay nilang drug operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa halos P35 milyon halaga ng shabu mula sa isang grab driver na hinihinalang big-time drug pusher na nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz ang naareatong suspek na si Uriel Hewe Jr., 31, (watchlisted) ng Block 15, Lot 7, Mangga St., Amparo Subdivision Brgy. 179.

 

Sa report ni PBGen. Cruz kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Dano Jr., alas-3 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Caloocan Police SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo, kasama ang Amparo Police Sub-Station sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Samuel Mina Jr. sa bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

 

Ani Col. Mina, narekober sa suspek ang aabot sa 5 kilos at 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinayatayang nasa P34,680,000.00, buy bust money na binubuo ng 2 tunay na P1,000 at 138 piraso boodle money, isang cal. 45 pistol na may magazine at 4 na bala, digital weighing scale, cellphone at P10,150 cash.

 

Sinabi ni NCRPO Chief Danao na nag-ugat ang operation dahil sa impormasyon mula sa concerned citizen na ipinadala sa NCRPO SMS Compliance Monitoring System hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.

 

“Kung ayaw niyo tumigil sa droga at talagang ginawa niyo nang hanapbuhay yan eh ikamamatay niyo Yan, Swerte ito buhay dahil hindi lumaban!” babala ni RD Danao sa mga ayaw maglubay sa droga.

 

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ang suspek sa grupong nasakote din ng Caloocan Police SDEU kamakailan na nahulihan ng 26 kilos ng shabu. (Richard Mesa)

Other News
  • Booster shot para sa Team Philippines sa SEAG

    HIHILINGIN  ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee (POC) na mabigyan din ng booster shot ang mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ayon kay PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Mon Fernandez, naturukan na ng second dose ng vaccine laban sa coronavirus […]

  • Senate Medal of Excellence ibibigay kay Yulo

    ISINULONG ng ilang senador ang pagbibigay ng Senado ng “medal of excellence” sa Filipino gymnast Carlos Yulo na nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.     Kabilang sa mga ­naghain ng resolusyon para kilalanin ang pambihirang nagawa ni Yulo sina da­ting Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Ma­jority Leader Francis Tolentino at […]

  • 8.3% GDP growth rate sa Q1 2022, artipisyal, walang halaga kung walang wage hike – Gabriela Partylist

    HINDI  umano nangangahulugan na naging ekselente ang economic management ng gobyerno sa mataas na gross domestic product (GDP) growth rate ng bansa sa unang bahagi ng taon.     Ayon sa Gabriela Partylist, ang pagtaas sa gdp ay dala na rin sa private consumption at election spending na isa umanong artipisyal ang pagtaas.     […]