• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 29th, 2020

Lim pakay pumuwesto sa Summer Olympic Games

Posted on: December 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

AASINTA si Jamie Christine Lim ng ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19 sa paglahok sa World Karate Federation (WKF) Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na July 11-13.

 

“Mahirap ang kompetisyon. Hindi dapat magkamali roon,” lahad Miyerkoles ng 22-taong gulang, may taas na 5-4 at 30th Southeast Asian Games PH 2019 karate female +61 kilograms kumite gold medalist sa last trip para sa quadrennial sportsfest.

 

Sasailalim na ang anak ni Philippine Basketball Association (PBA) legeng Avelino ‘Samboy’ Lim Jr. sa Philippine Sports Commission (PSC) bubble training simula sa darating na January 4 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

Nabatid naman kay Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KPSFI) president Richard Lim, kailangang mag-top three finish o manalo ng gold, silver o bronze medal ang dalagang karateka sa pinakamalaking laban sa kanyang sport career para makapag-Tokyo Olympics. (REC)

HALOS P35 MILYON SHABU NASABAT SA CALOOCAN BUY-BUST

Posted on: December 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Debold Sinas ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit sa matagumpay nilang drug operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa halos P35 milyon halaga ng shabu mula sa isang grab driver na hinihinalang big-time drug pusher na nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz ang naareatong suspek na si Uriel Hewe Jr., 31, (watchlisted) ng Block 15, Lot 7, Mangga St., Amparo Subdivision Brgy. 179.

 

Sa report ni PBGen. Cruz kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Dano Jr., alas-3 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Caloocan Police SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo, kasama ang Amparo Police Sub-Station sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Samuel Mina Jr. sa bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

 

Ani Col. Mina, narekober sa suspek ang aabot sa 5 kilos at 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinayatayang nasa P34,680,000.00, buy bust money na binubuo ng 2 tunay na P1,000 at 138 piraso boodle money, isang cal. 45 pistol na may magazine at 4 na bala, digital weighing scale, cellphone at P10,150 cash.

 

Sinabi ni NCRPO Chief Danao na nag-ugat ang operation dahil sa impormasyon mula sa concerned citizen na ipinadala sa NCRPO SMS Compliance Monitoring System hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.

 

“Kung ayaw niyo tumigil sa droga at talagang ginawa niyo nang hanapbuhay yan eh ikamamatay niyo Yan, Swerte ito buhay dahil hindi lumaban!” babala ni RD Danao sa mga ayaw maglubay sa droga.

 

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ang suspek sa grupong nasakote din ng Caloocan Police SDEU kamakailan na nahulihan ng 26 kilos ng shabu. (Richard Mesa)

Presyo, supply ng noche buena items, ‘stable’ – DTI

Posted on: December 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang supply ng noche buena items at mga pangunahing bilihin hanggang ikalawang quarter ng susunod na taon.

 

Pagtitiyak ito ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa harap ng pagkukumahog ngayon ng publiko na humabol mamili ng handa para sa Pasko at Bagong Taon.

 

Sinabi ni Usec. Castelo, wala ring pagtaas sa presyo ng noche buena products at ang iiral ay ang 2019 na presyo pa rin.

 

Ayon kay Usec. Castelo, pinapayuhan nila ang publiko na sa mga grocery stores at supermarkets mamili dahil umiiral dito ang suggested retail price (SRP).

 

Hindi na kasi umano saklaw ng DTI ang presyo sa mga convenient stores at mga sari-sari stores dahil nakailang salin na ang mga produkto rito kaya karaniwan talagang may mataas na silang presyo.

 

Sa mga negosyante naman umanong nagsasamantala sa presyo ng mga pangunahing bilihin, hinikayat ni Usec. Castelo ang publiko na isumbong agad ito sa kanilang consumer hotline na 1384 para maisyuhan agad nila ng letter of inquiry.

 

Inihayag ni Usec. Castelo na kapag nabigong makapagpaliwanag ang mga negosyante at hindi ibinalik sa dating presyo ang mga pangunahing bilihin o prime commodities, saka nila ito kakasuhan na may katumbas na multa at parusang pagkakakulong.

Ilang Cabinet, PSG members nauna na sa bakuna

Posted on: December 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ilang miyembro ng Gabinete at Presidential Security Group (PSG) ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

 

Ito’y kahit pa sinabi na ng Food and Drugs Administration (FDA) na wala pa silang COVID-19 vaccine na inaaprubahan sa Pilipinas.

 

Gayunman, tumanggi si Año na pangalanan kung sinu-sino ang mga persona­lidad na nabigyan na ng bakuna dahil confidential ito at posibleng malabag aniya niya ang privacy ng mga ito.

 

“Alam mo kasi that is what you call privacy, kumbaga confidential ‘yun eh. You cannot divulge because I might be viola­ting his privacy, but I know some from the Cabinet and from the Presidential Security Group,” ayon pa kay Año, sa panayam sa radyo.

 

Kaugnay nito, nagpahayag ng paniniwala si Año, na ang mga bakuna ay maaari nang magamit lalo na ng mga health workers at iba pang frontliners dahil may emergency use authorization (EUA) naman ito, kahit hindi pa ito pormal at pinal na naaaprubahan.

 

“’Yung mga gamot na ‘yan may EUA yan eh, emergency use authorization. Kahit na hindi pa ‘yan formally and finally approved, in times of pandemic, puwede gamitin ‘yan ng mga tinatawag nating health workers, frontliners,” paliwanag pa niya. “’Yun ‘yung essence noon eh, bakit mo aantayin ‘yung final approval kung nangamatay na ‘yung mga health workers at mga frotliners?” sabi pa ni Año.

 

Kinumpirma rin kahapon ni PSG Chief B/Gen. Jesus Durante III na nabigyan na ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga miyembro ng PSG.

 

Sa inilabas na statement ni Durante, sinabi nito na ang pangunahing trabaho ng PSG ay protektahan ang pinakamataas na lider ng bansa at sa kasalukuyang pandemya, dapat matiyak na hindi sila mismo ang maglalagay sa panganib sa kalusugan at kaligtasan ng Pangulo.

 

Ang desisyon aniya ng PSG ay isang matapang na hakbang para sa pagtupad sa tungkulin. Ang pagpapabakuna aniya ay hindi nila ginawa para sa personal na kadahilanan kundi dahil sa isang mas mataas na layunin na protektahan ang Pangulo.

 

Una na ring sinabi ni Pang. Rodrigo Duterte na marami ng tao sa bansa, ang nabigyan ng CO­VID-19 vaccine mula sa Chinese pharmaceutical firm na Sinopharm, at kabilang dito ang mga military at pulis.  (Daris Jose)

Binyag sa Gilas ni Sotto apektado ng G League

Posted on: December 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAARING hindi matuloy ang ‘binyag’ ni Kai Zachary Sotto sa Gilas Pilipinas sa darating na Pebrero 18-22 sa pagsabak sa International Basketball Federation (FIBA) 2021 Asia Cup final window bubble sa Clark, Angeles, Pampanga.

 

Tama rito ang opening ng 20th National Basketball Association (NBA) G League 2021. Simula ng training camp ng liga sa Enero 29 sa Atlanta, ang regular season sa Peb. 8 at ang playoffs naman ay sa Marso 8, ayon sa report ng ilang pahayagan sa Estados Unidos nitong Martes.

 

Binanggit Huwebes ng nakalipas na Linggo ng 18-taong-gulang may taas na 7-2 at tubong Las Piñas ang intensyong niyang makalaro sa unang pagkakataon sa Gilas makaraan ang ilang ulit na paggiya sa Batang Gilas.

 

Parte si Sotto ng Ignite team na kalahok sa G League.

 

Katapat ng 3-0 Pinoy quintet ang  arch-nemesis 2-0 South Korea sa Peb. 18 at 22, at 1-2 Indonesia  (1-2) Peb. 20 sa Asian Cup. (REC)

Ads December 29, 2020

Posted on: December 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

2nd hat-trick dinale uli ni De los Santos

Posted on: December 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MULING umiskor si Orencio James  Virgil ‘OJ’ de los Santos sa pangalawang sunod na pagkakataon na Manalo ng tatlong gold medal sa isang araw lang sa buwang ito sa mga online karate tournament para upang sementuhan ang pagiging world No. 1 e-kata karateka.

 

Pinananalunan nitong Disyembre 21 ng gabi ng 30 taong-gulang, may taas na 5-5 na tubong Cebu pero nakabase sa Maynila na karatista ang 3rd Athletes E-Tournament 2020, Okinawa E-Tournament World Series 2020 third leg, at ang 3rd Dutch Open E-Tournment upang makalikom na ng 33 golds sa taong ito kahit may pandemya.

 

Nagwagi rin si De los Santos sabay-sabay sa isang araw lang din sa tatlong torneo sa unang linggo ng Disyembre sa Rome International Endas Karate Cup 2020, E-Karate Games 2020 – Edition #3, at 2nd Euro Grand Prix E-Toournament 4Karate 2020.

 

Ipinahayag ng atletang kasapi ng  nitong Martes, Dis. 22, na hindi pa tapos ang laban niya ngayong buwan o taon dahil sa tatlo pang mga sasalihang kompetisyon. (REC)

P4.5 trilyong national budget pirmado na ni Duterte

Posted on: December 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nilagdaan na kahapon, Dec 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.5 trilyon national budget para sa 2021.

 

Sumaksi sa paglagda ng 2021 General Appropriations Act ang ilang lider ng Senado at House of Representatives.

 

Nakapaloob din sa GAA ang alokasyon para sa COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P72.5 bilyon.

 

Nasa P2.5 bilyon ng P72.5 bilyon ay nasa ilalim ng “programmed funds” ng Department of Health samantalang ang natitirang P70 bilyon ay nasa ilalim ng “unprogrammed funds” para sa Covid-19 vaccines kasama na ang pag-iimbakan at distribusyon.

 

Upang matiyak na matutugunan ang health care ng lahat ng Filipino, naglaan ng P71.4 bilyon para i-subsidize ang health insurance premiums ng 13 milyon na mga mahihirap na pamilya at pitong milyon na senior citizens.

 

Ang Human Resources para sa Health Program ay popondohan ng P16.6 bilyon para deployment ng doctors, nurses at iba pang health workers sa mga “disadvantaged communities”  at national hospitals.

 

Sa pambansang pon­do, pinakamalaki ang mapupunta sa Departments of Education (P708.18 bil­yon), Public Works (P696.82 biyon), Health (P287.47 bilyon), Local Government (PHP247. bilyon), Defense (PHP205.47 bilyon), Social Welfare (P176.65 bilyon), Transportation (P87.44 bilyon), Agriculture (P68.62 bilyon), at Labor (P36.6 bilyon). (Daris Jose)

Federer, umatras na sa pagsali sa Australian Open 2021

Posted on: December 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Umatras na sa 2021 Australian Open si Swiss tennis star Roger Federer.

 

Sinabi ni 2020 Australian Open tournament director Craig Tiley na hindi sapat ang paghahanda sa nasabing torneo.

Pagkatapos kasi ng 2020 Australian Open ay nagpa-arthroscopic surgery ito sa kaniyang kanang tuhod.

 

Umaasa naman ang 39-anyos na si Federer na ito ay tuluyan ng gagaling sa mga susunod na buwan para makasali na sa iba pang mga torneo.

 

Nakatakdang magsimula ang Australian Open sa Pebrero 8, 2021.

Victolero, Magnolia sa Enero uli kakahig

Posted on: December 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA na ang mga balak ni Ercito ‘Chito’ Victolero para sa kanyang Magnolia Hotshots para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA 2021) Philippine Cup na magbubukas sa darating na Abril 9.

 

“Plano, second week of January baka balik-training na kami,” bulalas ng Pambansang Manok coach nitong Lunes.

 

Inaabangan na lang ng koponan na lang ang pasabi ng propesyonal na liga sa set-up ng susunod na season, na pagpipilian sa bubble at closed-circuit.

 

Ipinahayag ni commissioner Wilfrido Marcial na posibleng umpisahan ang susunod na calendar year ng liga sa closed-circuit. Pero depende pa rin ito sa magiging pasya ng Board of Governors.

 

“Hindi ko pa kasi alam ang protocols ng PBA, eh. Kung papayag ba sila sa dating ginawa na apat-apat muna,” hirit ni Victolero.

 

Pero kundi aniya papayagan ang agad-agad na on-court workout, sa Zoom muna nila uumpisahan ang pagpapakondisyon ng mga katawan.

 

“Siguro by first week ng January mag-ask kami sa PBA kung ano p’wedeng gawin,” panapos niya. “You have to be ready, lalo na kung mangyari ulit ‘yun (bubble) na individually you need to prepare. Importante ‘yung preparation.”

 

Balentuang sa tatlo sa unang apat na laro sa AUF Gym sa Pampanga ang Hotshots, nang bumalik ang porma, tumuhog ng six straight wins at humabol sa quarterfinals bilang No. 7 seed.

 

Sininipa nga lang agad ng No. 2 Phoenix sa manipis na 89-88 decision at natapos ang kampanya sa 45th PBA 2020 PH Cup.

 

Isang komperensya lang ang liga sa taong ito dahil sa Covid-19. (REC)