• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ratsada na sa paggawa ng pelikula at series… VICTOR, puwedeng-puwede na maging next ‘Vivamax King’

RATSADA ngayong Agosto ang newest Vivamax actor na si Victor Relosa (dating VR Relosa) dahil bibida na naman siya sa pelikulang ‘Kamadora,’ kasama sina Tiffany Grey at Armina Alegre, na ang streaming ay nagsimula na ng August 11.

 

 

Mula ito sa direksyon ni Roman Perez, Jr. na siya ring nagdirek nang huling pinagbidahan ni Victor, ang erotic-drama na ‘Litsoneras’ kasama sina Yen Durano, Jamila Obispo at Joko Diaz, na streaming na ngayon sa Vivamax, na kung saan pinupuri ang pagganap niya bilang Jonas.

 

 

Kasama rin si Victor sa isang episode ng series na ‘Sssshhh!’ ni Direk Roman.

 

 

Sa ‘Kamadora’, part din ng movie sina Hurry Up Tingson, Itan Rosales, Junjun Quintana, Karl Medina, Angie Castrence, Elora Españo, Raffy Tejada, Sue Prado, at Emmanuel Dela Cruz.

 

 

Sa August 18 muling makikipagtagisan sa pag-arte at pagpapa-sexy si Victor sa sexy, psychological, drama, thriller na ‘Kahalili’ kasama sina Mercedes Cabral, Stephanie Raz, Millen Gal at Sid Lucero. Mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr.

 

 

Sa August 27 naman kasama rin siya sa sexy series ni Jose Javier Reyes na ‘Secret Campus’ na pagbibidahan nina Azi Acosta, Angela Morena, Ataska at Angelica Hart.

 

 

Isiniwalat din niya ang upcoming movies sa Vivamax, ang ‘Sila Ay Akin’ ni dire Mac Alejandre at ‘Halo-Halo X’ na gaganap siyang rider na nag-aalok din ng panandaliang aliw.

 

 

Kaya halos wala raw siyang tulog, to the point na nagkakasakit na, ay kailangan niyang humataw at ibigay ang husay sa pagganap sa bawat character na binibigay sa kanya ng direktor.

 

 

Kaya naman sa sunud-sunod na pelikula at series ni Victor (na una naming nasilayan sa ‘Lagaslas’ with Manang Medina, na may ibubuga sa pag-arte), puwede na nga siyang maging next Vivamax King.

 

 

***

 

 

MAGKAKAROON ng pagkakataon ang mga baguhang direktor na maitanghal ang kanilang mga “kuwentong panalo ng buhay” bilang bahagi ng kauna-unahang film festival ng Puregold.

 

 

Sa CinePanalo Film Festival, mamimigay ang Puregold ng mga production grant na umaabot sa milyon-milyon ang halaga, nang matulungan ang mga piling grupo ng mga filmmaker na maisakatuparan ang kanilang mga proyekto.

 

 

Sa kasalukuyan, dumarami na ang interesado sa festival, at nagsimula na ang proseso ng aplikasyon.

 

 

Ibinahagi ni Vincent Co, Presidente ng Puregold Price Club Inc., ang mga kapana-panabik na oportunidad na naghihintay sa mga lalahok. “Nais naming mabigyan ng pag-asa ng CinePanalo ang mga bata at talentadong filmmaker na naghihintay lamang ng kanilang break. Hangad namin na ang tulong-pinansyal at ang exposure na makukuha nila mula rito ay magbibigay sa kanila ng tulak upang abutin pa ang kanilang mga pangarap.”

 

 

Naghahanap ang CinePanalo Film Festival ng Puregold ng mga kuwentong nakaaantig ng puso, alinsunod sa opisyal na tema nito, “Mga kuwentong panalo ng buhay.”

 

 

Susuportahan ng festival na ito ang mga likha na nagtatampok ng mga halagahang Pilipino tungkol sa pagmamahal, pamilya, at pag-asa.

 

 

Ayon kay festival director Chris Cahilig ukol sa tema ng CinePanalo, “Gusto naming mag-iiwan ng pakiramdam ng ligaya ang mga makapapasok na entry–pakiramdam na nabibigay lamang ng mahusay na mga pelikula. Nasasabik na kaming makita ang mga magagandang kuwentong ibabahagi ng mga lokal na direktor sa publiko.”

 

 

Piling-pili lamang ang makatatanggap ng mga grant–mga aplikante na makukuha ang layunin ng CinePanalo. Limang baguhan at propesyonal na direktor ang makatatanggap ng tig-P2,500,000 upang lumikha ng pelikula para sa festival. Dalawampu’t limang estudyanteng filmmaker naman ang makatatanggap ng tig-P100,000 para sa paglikha ng maiigsing pelikula o shorts.

 

 

Ipapalabas ang mga nakompletong pelikula sa isang festival na itatanghal nang tatlong araw sa Gateway Cinemas mula Marso 8 hanggang 10, 2024. Ipo-post naman ang short films sa opisyal na mga page ng Puregold sa social media, at sa Puregold Channel sa YouTube.

 

 

Itatampok ang mag ito kasama ng mga sikat na retailtainment serye ng Puregold, gaya ng “GV Boys,” “Ang Babae sa Likod ng Face Mask,” at “Ang Lalaki sa Likod ng Profile”.
“Kailangan ng mga tao ng mga pelikula na makabuluhan sa buong pamilya,” diin pa ni Cahilig.

 

 

“Sa panahong bayolenteng paksa o makamundong pagnanasa ang laman ngmga pelikulang aksesibol sa mas maraming mga tao, magpopokus ang CinePanalo Film Festival sa mga kuwentong may puso at may pag-asa.”
Inilunsad ang festival sa isang press conference na inorganisa ng Cinema 76 Film Society noong Agosto 8, 2023. Mula noong ianunsyo ang CinePanalo, nakatanggap na ng mga katanungan ang mga opisyal ng festival. Susuriing mabuti ng mga miyembro ng selection committee ang mga entry upang makahanap ng mahuhusay na mga direktor na makapapasok sa lineup ng film festival sa Marso.
Para sa mga interesadong aplikante, mag-email lamang sa
thesecretariat@cinepanalo.com upang makatanggap ng mga materyal na kinakailangan para mag-apply.

 

 

Lahat ng aplikasyon at kahingian ay dapat maipadala bago Oktubre 27, 2023. Isasapubliko ang shortlist ng mga napiling direktor sa Nobyembre 6, 2023.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • DICT, tinitingnan, pinag-aaralan ang partnership sa PPP, LGU para ipatupad ang nat’l broadband program

    TINITINGAN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang  public-private partnerships (PPP) at koordinasyon sa  local government units (LGUs) para mapabilis ang implementasyon ng  National Broadband Program (NBP) ng gobyerno.     “We are exploring possibilities of PPPs with the private sector and also looking at partnering with the LGUs po in deploying some […]

  • Press peeps, pasok sa HoF Review Committee

    BUBUO ang Philippine Sports Hall of Fame ng isang Review Committee para sa sports media practitioner upang makatuwang sa pagrebisa at ebalwasyon sa mga inonomina sa ikaapat na grupong mga iluluklok sa nasabing karangalan sa darating na Nobyembre.   Base sa Republic Act No. 8757 na kilala rin bilang PSHOF Act, tanging ang Screening Committee […]

  • World Cup: Germany talo sa Japan sa dalawang late goals

    DOHA, Qatar — Nag-iskor ng late goal ang mga pamalit na sina Ritsu Doan at Takuma Asano noong Miyerkules upang bigyan ang Japan ng come-from-behind 2-1 na tagumpay laban sa Germany sa World Cup.   Binigyan ni Ilkay Gündogan ang four-time champion Germany ng pangunguna sa first-half penalty. Ngunit si Doan, na naglalaro para sa […]