• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Press peeps, pasok sa HoF Review Committee

BUBUO ang Philippine Sports Hall of Fame ng isang Review Committee para sa sports media practitioner upang makatuwang sa pagrebisa at ebalwasyon sa mga inonomina sa ikaapat na grupong mga iluluklok sa nasabing karangalan sa darating na Nobyembre.

 

Base sa Republic Act No. 8757 na kilala rin bilang PSHOF Act, tanging ang Screening Committee na mga kabibilangan ng Philippine Sports Commission (PSC) chairman, Philippine Olympic Committee (POC) president, Games and Amusement Board (GAB) chairman, tigdalawang miyembro ng POC accredited National Sports Association at private sector ang mga makakapili para sa mga itatalaga sa karangalan.

 

“It is for this reason that the PSC, for the longest time, has been seeking the help of our partners from the sports media in the evaluation process of the Hall of Fame. We recognize their knowledge of the history of our country’s sports legends,” ani PSC Chairman William Ramirez.

 

Ang pagbalangkas ng review committee ay unang isinagawa sa panahon ni dating PSC chairman Harry Angping noong 2010.

 

Nasa pitong miyembro ang grupo na ang komposisyon ay hindi muna ihahayag kung saan magsisimula ang nominasyon ng mga pararangalan para sa ikaapat na batch sa Marso 1. (REC)

Other News
  • ‘Pagkakaroon ng multiple simcard ng isang tao, hindi ipinagbabawal’

    MAAARI pa ring magmay-ari ng maraming simcards ang isang indibidwal.     Ito ang sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy kaugnay ng ipatutupad na bagong Simcard Registration Act.     Aminado si Uy na may mga lugar na walang signal o mahina ang signal ng isang telecommunication company […]

  • House and lot bonus ni Bambol sa 3 boxers

    Para kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, nararapat lamang bigyan ng pabuya sina Olympic Games silver medal winners Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze medalist Eumir Felix Marcial.     Kahapon ay inihayag ni Tolentino ang pagbibigay niya kina Paalam, Petecio at Marcial ng house and lot […]

  • Chris Hemsworth Confirms Filming ‘Mad Max: Furiosa’ Filming Is Underway

    CHRIS Hemsworth confirms filming is underway on George Miller’s Mad Max prequel movie, Furiosa.     Several years after making a trilogy of movies with Mel Gibson as Max, George Miller delivered a huge hit with Mad Max: Fury Road in 2015. The film starred Tom Hardy as Max and introduced audiences to Charlize Theron’s […]