• March 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P5 MILYON IPINAGKALOOB NG LUNGSOD QUEZON SA ‘StartUp’ FINALISTS

LUNGSOD QUEZON – Ginawaran ng Lungsod Quezon ng P1 milyon kada isa ang limang finalists sa ilalim ng StartUp QC nitong Biyernes, Agosto 11.

 

 

Ang inisyatibo ng Lungsod Quezon ay inilunsad noong Oktubre 2022 para suportahan ang mga umiiral na early-stage startups sa pamamagitan ng ibat-ibang training at mentoring sessions, industry exposure at networking events.

 

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na ang mga pamahalaang lokal ay dapat lumikha ng inclusive environment na nagtataguyod ng paglago at pag-unlad ng lahat ng uri ng negosyo. “Nasa interes ng lahat ng sektor na magkaroon ng lungsod na kung saan ang bawat isa ay may kumpyansa na magtayo ng kanilang negosyo anuman ang kanilang ideya na makakalikha ng trabaho, magtutulak sa ekonomiya sa kanyang pinakatodong potensyal at tulong sa bawat mamamayan na mamuhay na kanilang pinapangarap,” wika ni Mayor Belmonte.

 

 

Ang Lungsod, kasama ng kanyang partners, ay handang maki-collaborate sa mga startups at ipakilala ang kanilang ideya sa merkado. Ang kanilang tagumpay ay babalik sa paglago ng komunidad at lungsod,” dagdag nya.

 

 

Ang mga napagkalooban ng P1 milyon ay ang Bamboo Impact Lab, Eduk Sine Production Corporation, Indigo Artificial Intelligence Research Inc., Itooh Homestyle at Wika.

 

 

Ang mga kumpanyang ito ay tumanggap din ng iba’t ibang business at technical trainings sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology, Department of Trade and Industry, Quezon City University, Ateneo de Manila University, Miriam College, Thames International, Technological Institute of the Philippines at University of the Philippines, at Launchgarage. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Ken, naka-support lang sa friend at dating ka-loveteam: RITA, umamin at ‘di itinago dahil proud sa magiging baby

    DAHIL wala naman kasing nababalitang non-showbiz boyfriend si Rita Daniela at sila ng ka-loveteam na si Ken Chan ang madaling isipin na tila may “something” in real-life, talagang hindi lang siya ang nakatanggap ng mga pagbati ng ‘congratulations,’ maging ang Kapuso actor.     Umamin na nga kasi si Rita na siya ay buntis at […]

  • PNR extension project magsusulong ng pag-unlad sa C. Luzon

    Inaasahan na magbibigay at magsusulong ng pag-unlad sa ekonomiya ng Central Luzon ang North-South Commuter Rail Project kapag natapos na ang pagtatayo nito.     Makapagbibigay din ang NSCR hindi lamang para sa pag-unlad ng ekonomiya sa Central Luzon kung hindi marami rin ang trabaho na malilikha ito.     “A transport infrastructure project like […]

  • Mahusay na cybersecurity ng Philippines, inilahad ni Marcos sa Davos

    ISINULONG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland ang mahusay na cybersecurity system sa bansa.     Sa nasabing forum, inilahad ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng mas mahusay na cybersecurity system para mapangalagaan ang mga sensitibong impormasyon.     Iginiit pa ng Pangulo na isang […]