‘Family Matters’, big winner at waging Best Picture: NADINE, muling nakasungkit ng ‘Best Actress’ award sa FAMAS
- Published on August 15, 2023
- by @peoplesbalita
SA ikalawang pagkakataon, muling nasungkit ni Nadine Lustre ang Best Actress trophy sa 71st Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS), para sa pelikulang “Greed” na tungkol sa isang mag-asawa na nanalo ng pinakamalaking jackpot sa lotto.
Una siyang nagwagi ng major award sa nasabing award-giving body, nang gampanan niya ang role ni Joanne sa 2018 film na “Never Not Love You”.
Ang 2022 dramedy film na “Family Matters” naman ang itinanghal na big winner sa naganap ang awards night noong August 13 sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.
Nakuha ng CineKo Productions ang Best Picture, Best Editing, kasama ang Best Actor para kay Noel Trinidad, at Best Supporting Actress para kay Nikki Valdez.
Ang story ng pelikula ay umiikot sa isang pamilya na nagtatalo kung sino ang mag-aalaga sa kanilang ama na na-stroke, kasama ang kanilang ina.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nagsipagwagi sa 71st FAMAS Awards:
Best Actress: Nadine Lustre – “Greed”
Best Actor: Noel Trinidad – “Family Matters”
Best Picture: “Family Matters”
Best Director: Ma-an Asuncion-Dagñalan – “Blue Room”
Best Supporting Actress: Nikki Valdez – “Family Matters”
Best Supporting Actor: Sid Lucero – “Reroute”
Best Screenplay: Abet Raz and Alejandro Ramos – “La Traidora”
Best Cinematography: Neil Daza – “Blue Room”
Best Production Design: Eero Yves Francisco – “Leonor Will Never Die”
Best Editing: Beng Bandong – “Family Matters”
Best Musical Score: Jazz Nicolas and Mikey Amistoso – “Blue Room”
Best Sound: Alizen Andrade and Immanuel Verona – “Reroute”
Best Short Film: “Golden Bells” by Kurt Soberano
Special Award:
Fernando Poe Jr. Memorial Award – Sen. Lito Lapid
Susan Roces Celebrity Award – Liza Lorena
Dr. Jose R. Perez Memorial Award – Jun Urbano
German Moreno Youth Achievement Award – Jillian Ward
FAMAS Lifetime Achievement Award – Marita Zobel
FAMAS Exemplary Award in Public Service – House Speaker Ferdinand Martin Romualdez
Face of the Night (Male) – Mon Confiado
Face of the Night (Female) – Nadine Lustre
Male Star of the Night – Sid Lucero
Female Star of the Night – Jillian Ward
***
HINDI pa rin makapaniwala si Nikki Valdez na FAMAS awardee na siya dahil sa pelikulang “Family Matters”.
Sa kanyang FB post, “As I type this, I am trying to put myself together because I am still grieving the loss of my boy Travis but have something to be truly grateful for at the same time.
“This picture was taken right as I got off the stage after my acceptance speech and yes, I was ugly crying, shaking and very much overwhelmed with what was going on.
“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo ako sa FAMAS!!! 😭😭😭Pinapanood ko lang ito nung bata ako and masayang masaya ako para sa mga nananalo. Ramdam kong umaapaw ang saya sa puso nila. Kagabi sabi ko sa sarili ko, “ito pala yung feeling na yun.”
Dagdag pa niya, “My COMPLETE acceptance speech which was taken by MJ Felipe @mjfelipe (salamat MJ for capturing this moment) as my husband was busy escorting me and trying to calm me down will be on a separate post.
“This award will only make me continue to give my very best in what I do and the people I work with. Pagbubutihin ko pa po lalo para mas maraming macontribute sa industriyang araw araw kong pipiliin.
“Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!”
Congrats Nikki dahil sobrang deserved mo ang award na ito at ganun sa bumubuo ng ‘Family Matters’.
(ROHN ROMULO)
-
Sunog, sumiklab sa main office ng Comelec sa Palacio del Gobernador
KONTROLADO na raw ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na sumiklab sa Commission on Elections (Comelec) office sa Palacio del Gobernador, Intramuros Manila. Base sa report ng BFP-National Capital Region (NCR) Public Information Office, nagsimula ang sunog sa ika-pitong palapag ng naturang gusali. Itinaas sa unang alarma ang sunog […]
-
New ‘Hawkeye’ Trailer Shines a Spotlight on Holiday Cheer
A brand new trailer for Marvel’s upcoming Disney+ series Hawkeye has been released to remind us of the seasonal cheer that awaits us next month when the show premieres with its first two episodes on November 24. Opening with a Christmas-themed Marvel Studios logo and punctuated with a dramatized rendition of “Deck the Halls,” this […]
-
Contact tracing , isolation at treatment, gagawing tuluy- tuloy ng gobyerno
HINDI ititigil at magpapatuloy ang tracing at isolation effort ng gobyerno kahit may mga bakuna pang dumating sa bansa. Ito ang tiniyak ni Deputy Chief Implementer at Testing czar Secretary Vince Dizon sa kabila ng aniya’y labis ng pagod na nararamdaman ng mga may mahalagang papel sa patuloy pa ding nararanasang pandemya. Aniya, […]