• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Contact tracing , isolation at treatment, gagawing tuluy- tuloy ng gobyerno

HINDI ititigil at magpapatuloy ang tracing at isolation effort ng gobyerno kahit may mga bakuna pang dumating sa bansa.

 

Ito ang tiniyak ni Deputy Chief Implementer at Testing czar Secretary Vince Dizon sa kabila ng aniya’y labis ng pagod na nararamdaman ng mga may mahalagang papel sa patuloy pa ding nararanasang pandemya.

 

Aniya, isa na rito ang mga contact tracers na mayroon ng fatigue factor dahil na rin sa napakatagal ng paglaban sa COVID 19.

 

Isang malaking hamon ito sa kasalukuyan na kanilang haharapin at patuloy na gagawin kahit bakuna ay dumating.

 

“So ngayon po, ang nagiging challenge ngayon ay itong fatigue ‘no dahil napakatagal na nating lumalaban sa COVID so iyong ating mga contact tracers ngayon medyo napapagod na so kailangan tuluy-tuloy lang nating… talagang nagpupursige dito sa pagku-contact tracing natin through our local government units and the DILG. So iyon naman po ang pinipilit natin sa mga darating pang buwan dahil nga kahit na mayroon nang mga bakunang padating, kailangan itong ating response ng prevention, detection, isolation and treatment ay tuluy-tuloy pa rin,” ayon kay Dizon

 

Kaya siniguro ni Dizon, na hindi lang detection ang patuloy na ikakasa kahit may bakuna na kundi pati na ang prevention, isolation at treatment. (Daris Jose)

Other News
  • Pinakamalakas na submarine ng US dumaong sa Guam

    NAGSAGAWA ng port visitation sa Guam ang isa sa tinaguriang “most powerful weapon” ng US Navy ang USS Nevada.     Isa itong Ohio-class nuclear-powered submarined na may kargang 20 Trident ballistic missiles at ilang mga nuclear warheads.     Dumaong ang nasabing submarine na tinawag nilang “Boomers” sa Navy base sa US Pacific Island […]

  • COVID-19 positivity rate sa Metro Manila bumaba pa sa 11.5% – OCTA

    BUMABA pa sa 11.5 percent ang COVID- 19 positivity rate sa Metro Manila pero may bahagyang pagtaas naman sa apat na lalawigan sa Luzon.       Ayon sa OCTA research group na mula sa 13.9 percent noong  December 17  ay nakapagtala naman ng pagbaba pa o nasa 11.5 percent ang positivity rate sa NCR […]

  • Undas magiging COVID-19 super spreader – DOH

    MULING  nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) na maaaring maging ­COVID-19 ‘super spreader event’ ang pagpunta ng publiko sa mga sementeryo sa ­darating na Undas ngayong ­Nobyembre.     Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi ­kinakategorya ang Undas na “low risk setting” dahil taun-taong ­dinadagsa ng napakaraming tao ang bawat […]