• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naniniwala na may competition kahit saan: BILLY, open pa rin sa possibility na mag-work sa alinmang noontime shows

OPEN pala si Billy Crawford sa possibility na magtrabaho sa alinmang noontime shows ngayon na umeere sa magkakaibang TV networks.  

 

 

Huling noontime show ni Billy ay “Tropang LOL” ng Brightlight Productions.

 

 

Ongoing noontime shows ngayon ay “It’s Showtime” ng Kapamilya Network sa GTV at A2Z, “Eat Bulaga” sa GMA-7 at “E.A.T.” sa TV5.

 

 

“Happy lang ako dahil gumagalaw ang industriya natin,” sabi ni Billy.  “TV is back. Medyo prior to pandemic, it was hard, nung nag-pandemic, a percentage of our viewers nawala.

 

 

“So, everything was online based.  Sa totoo lang, kung makakapunta ako sa ‘Showtime,’ makakapunta ako sa ‘Eat Bulaga,’ kasi yun yung promotions namin para sa mga projects namin.”

 

 

Dating host si Billy ng “It’s Showtime” at umalis lamang siya in 2018, nang kinasal sila ng wife niya ngayong si Coleen Garcia na co-host din niya noon.

 

 

So, bukas ba siyang makabalik sa show?

 

 

“Well, I really have no idea, but I go where work takes me.  To be honest with you, kung saan ang trabaho, doon ako.”

 

 

Masaya si Billy sa sinabi ni Atty. Felipe L. Gozon, CEO ng GMA, na “TV was over,” matapos ang historic deal for “It’s Showtime” airing on GTV na pag-aari ng GMA.

 

 

Pero naniniwala si Billy na there will always be competition kahit saan.  Ang panalo dito ang mga viewers.  I-enjoy lamang nila ang moment because it’s a milestone for all TV platforms.

 

 

Totohanan na nga ang pagbabalik ni Billy sa GMA Network matapos silang mai-launch nina Chito Miranda, Julie Anne San Jose, at SB19 Stell Ajero, bilang coaches ng singing reality competition na “The Voice Generations,” hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Masaya si Billy sa kanyang pagbabalik sa GMA-7 dahil dito siya nanggaling.

 

 

“Kay Kuya Germs (German Moreno) in 1986 sa “That’s Entertainment.”  I started when I was three and then at four years old, nag-“That’s Entertainment” na ako.

 

 

“So, ito na yung bahay ko, it only changed aesthetics wise, pero yung soul, yung pakiramdam, nandito pa rin1  Napakalamig pa rin sa mga studio dito sa GMA.”

 

 

Ang “The Voice Generations” ay magsisimula nang mapanood sa Sunday, August 27, 7:15 p.m. sa GMA-7.

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • MANCAO, ITINALAGANG CYBERCRIME CENTER CHIEF

    ITINALAGA si dating police officer Cezar Mancao II bilang chief ng Cybercrime center.   Ito ang kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kung saan si Mancao ay executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).   Sa kabila nito, hindi alam ng DICT kung kelan magsisimulang manunungkulan si Mancao sa kanyang […]

  • Bagong signaling system ng LRT-1 sinimulan nang ilagay

    Sinimulan na kahapon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang pagpapalit ng bagong signaling system ng kanilang rail line.     Dahil dito, sinuspinde muna ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, ang biyahe ng kanilang mga tren nitong Linggo, Nobyembre 28.     Batay sa naunang inilabas […]

  • Pinagpapatuloy ang ‘legacy of philanthropy’ ng pamilya: MICHELLE, pinarangalan ng FFCCCII dahil sa kanyang accomplishments

    PINARANGALAN si Miss Philippines Universe 2023 Michelle Marquez Dee ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc (FFCCCII) dahil sa kanyang outstanding performance sa Miss Universe na kung saan umabot siya sa Top 10.     Iginawad kay Michelle ang special plaque noong December 28, sa Federation Center ng FFCCCII na matatagpuan […]