• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MANCAO, ITINALAGANG CYBERCRIME CENTER CHIEF

ITINALAGA si dating police officer Cezar Mancao II bilang chief ng Cybercrime center.

 

Ito ang kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kung saan si Mancao ay executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

 

Sa kabila nito, hindi alam ng DICT kung kelan magsisimulang manunungkulan si Mancao sa kanyang posisyon at wala pa rin pahayag mula sa Malakanyang.

 

Sa ilalim ng nilikhang Cybercrime Prevention Act of 2012, ang CICC ang nangangasiwa sa pagbuo ng national cybersecurity plan at gumagawa ng mga epektibong hakbang para mapigilan ang mga cybercrime activities at pag mo monitor sa cybercrimes.

 

May mandato rin ito na mag-facilitate ng international cooperation kaugnay sa intelligence, investigations, training at capacity building may kaugnayan sa cybercrime prevention, suppression at prosecution.

 

Nabatid na si Mancao,ay kabilang sa mga kinasuhan sa pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000 at ang kanyang kapwa akusado na si Senator Panfilo Lacson ay naabsuwelto sa kaso.

 

Habang si Mancao ay sumuko sa PNP noong 2017 matapos na tumakas sa National Bureau of Investigation noong 2013.

 

Inireklamo ni Mancao na angnlahat ng principal na akusado ay naabsuwelto na sa kaso at  namumuhay na ng normal habang siya ay nanatiling naka detain. (GENE ADSUARA)

Other News
  • HEART, nagbuhay-reyna habang nagbabakasyon sila sa Amerika dahil kay Gov. CHIZ

    FINALE week na simula ngayong gabi (January 3) ng GMA Primetime series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Sid Lucero, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.     Kaya excited na ang mga televiewers na malaman kung paano magwawakas ang serye na dinirek ni Dominic Zapata.      Nagkaroon kasi […]

  • ‘Di pinalampas ang pambabastos ng netizen: BELA, nilinaw na walang inisnab sa concert ni HARRY STYLES

    PINATULAN at hindi pinalampas ni Bela Padilla ang pambabastos ng isang netizen dahil daw sa pang-iisnab niya sa mga taong gustong magpa-picture sa concert ni Harry Styles.     Very vocal ang aktres at direktor na fan siya ng international artist at dating member ng One Direction, kaya nag-watch siya ng concert noong Martes, March 14 […]

  • Baka magselos si Carmina: DINA, game na game na maka-partner si ZOREN

    WALA si Dina Bonnevie sa pagsisimula sa ere ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ noong September 2022, karagdagan lamang nitong unang linggo ng Abril 2023 ang karakter niya bilang si Giselle Tanyag  sa top-rating series ng GMA. Nagkarooon ba ng thinking si Dina na sana, sa umpisa pa lang ay napasama na siya o masaya naman […]