• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balitang pabalik na ng ‘Pinas si Tom: CARLA, lumipat na ng management para walang conflict

NGAYONG August 2023 ay ipinagdiriwang ni Sen. Bong Revilla Jr. ang ika-50 anibersaryo sa  show business, na sa kabila ng napakaraming pelikulang nagawa ay nananatili pa rin ang kakisigan at tila hindi tumatanda.

 

 

 

Bukod sa kanyang anibersaryo ay ipagdiriwang din ni Sen. Bong ang kanyang ika-57 kaarawan sa darating na Septyembre 25 na kahit abala sa kaniyang pagiging Senador ay nagagawa pa rin nitong isingit na gumawa ng sitcom.

 

 

 

Katunayan ay last episode na sa darating na Linggo (Agosto 20) ang nag-hit na ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ na napapanood tuwing Linggo sa GMA 7 ganap na alas 7:15 ng gabi.

 

 

 

Ayon kay Sen. Bong abangan daw ang Season 2 na kasalukuyan nang pinaplantsa at dahil sa mataas na ratings ng naturang weekly mini-series ay may mga planong balak na umano itong gawing araw-araw ngunit wala pang kumpirmasyon.

 

 

 

Si Sen. Bong ay unang nagkaroon ng exposure sa pelikula noong siya ay 7 anyos lamang nang isama siya sa pelikulang ‘Tiagong Akyat’ noong 1973 sa ilalim ng Imus Production na pinagbidahan ng kaniyang amang si Ramon Revilla Sr at ang kaparehang si Aurora Salve.

 

 

 

Nagmarka rin ang role ni Sen. Bong noong siya ay 14 anyos lamang sa pelikulang ‘Bianong Bulag’ na pinagbidahan din ng kaniyang ama at ni Charito Solis nang gumanap siya bilang batang Bianong Bulag.

 

 

Actually, si Sen. Bong na mahal na mahal ng kanyang mga katrabaho sa pelikula ay hindi nali-late sa shooting o taping na isa sa mahigpit na kabilin-bilinan umano ng kanyang ama upang magtagumpay at magtagal sa showbiz industry.

 

 

 

Ngayong Linggo, abangan ang finale episode ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ at ang FB Live ng 5 pm kunsaan, magkakaroon naman ng gender reveal si Jolo Revilla at 5:30 pm at mamimigay siya ng maraming pa-premyo.

 

 

 

***

 

 

 

WALA na pala si Carla Abellana sa pangangalaga ng management ni Popoy Caritativo na Luminary Talent Management.  

 

 

Kung matatandaan, bago ikinasal sina Carla at Tom Rodriguez, nagpa-manage na si Carla under Popoy, happened to be Tom’s longtime manager.

 

 

Mula sa aming source, posibleng hindi na nag-renew ng kanyang management contract si Carla at lumipat naman ito sa isang talent management na kunsaan, pwede naming sabihin na ang dating sikat na talent din ni Popoy ay contract artist ng naturang agency.

 

 

Kung tama ang nakarating sa aming balita, diumano’y malapit na raw kasing bumalik ng bansa si Tom.  

 

 

So, siguro for Carla, para wala na lang conflict o hindi maging uncomfortable na nasa isang management sila, baka nag-decide na ang huli na lumipat na lang ng ibang manager.

 

(ROSE GARCIA)
Other News
  • Sobrang na-touch si Manay Lolit: KRIS, ‘di nakalimutang mag-send ng gift kahit na may matinding sakit

    SA Instagram account ni Manay Lolit Solis binanggit niya na nakaramdam daw siya ng sobrang kaba nang malaman ang naging dahilan ng pagkamatay ng kapwa niya talent manager na si Leo Dominguez.       Ayon kay Manay Lolit na may karamdaman din sa ngayon ay hindi pa rin daw siya maka-get over sa pagkamatay […]

  • Baser pinasalamatan Meralco

    NAGPAABOT ng pasasalamat si Philippine Basketball Association (PBA) stalwart Baser Amer para sa nilaruan niya ng limang taon na Meralco.     Aprubado na noong Huwebes, Pebrero 4 ni pro league commissioner Wilfrido Marcial ang swap sa pagitan ng Bolts at Blackwater kung saan napunta sa Bossing sina Amer at Bryan Faundo kapalit ni Rey […]

  • Teves, 6 pa kinasuhan ng CIDG

    SINAMPAHAN  na ng kaso ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at anim nitong staff kaugnay sa mga hindi umano lisensiyadong mga armas at bala na nakuha sa isinagawang raid sa mga bahay ng kongresista ng nakalipas na linggo.     Ayon sa PNP-CIDG, bukod kay […]