• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naniniwala si Eugene na magiging sikat na artista: POKWANG, kinumpirma na papalitan niya ang apelyido ni MALIA

NANINIWALA si Eugene Domingo na magiging sikat na artista ang anak ni Pokwang na si Malia.

 

 

Sa kanilang pictorial ng pelikulang ‘Becky at Badette’ ay isinama raw ni Pokwang si Malia sa set. Ikinatuwa ito ni Eugene dahil lahat daw ng tao roon ay nagsasabing artistahin si Malia.

 

 

“Our sunshine! The set is always livelier and lovelier whenever you are around my dearest inaanak, Malia! Thanks sis @itspokwang27 for bringing my inaanak to our shoot! She is our star!” caption ni Uge sa Instagram post niya.

 

 

Samantalang kinumpirma ni Pokwang na papalitan niya ang apelyido ni Malia mula O’Brien, gagawin niya itong Subong.

 

 

“Yes na yes. Siyempre, deserve ng anak ko ‘yung pangalan na inaalagaan at minamahal siya at binibigyan siya ng oras,” sey ni Pokwang.

 

 

Hindi naman daw sila kasal ng ex-partner niyang si Lee O’Brian at hindi naman din daw siya hinahanap ng anak nilang si Malia.

 

 

“Mas umiiyak siya ‘pag wala ako sa tabi niya. Siguro kasi nga kagaya ng sinabi ko wala siyang naipundar na bonding sa anak ko, walang emotional investment.”

 

 

***

 

 

ENGAGED na ang comedian na si Zooey Deschanel sa HGTV reality star na si Jonathan Scott na nakilala sa sa HGTV reality show na ‘The Property Brothers.’

 

 

Nag-propose si Jonathan habang nagbabakasyon sila sa Scotland. Humingi ng tulong si Jonathan sa dalawang anak ni Zooey na sina Elsie at Charlie para masorpresa ang mother nila.

 

 

Ang twin brother ni Jonathan na si Drew Scott ay natuwa sa ginawang proposal ni Jonathan.

 

 

The star of New Girl posted a pic of her with the engagement ring, which includes pink and purple stones. Nilagyan niya ito ng caption na “Forever starts now!!!”

 

 

Zooey and Jonathan met in the summer of 2019 on an episode of James Corden’s “Carpool Karaoke.” They made it Instagram official in October 2019.

 

 

Unang kinasal si Jonathan Scott kay Kelsy Ully noong 2007 at nag-divorce sila noong 2013.

 

 

Si Zooey ay dalawang beses nang kinasal. Una kay Ben Gibbard noong 2009 hanggang 2012. Pangalawa ay kay Jacob Pechenik noong 2015 hanggang 2020.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 5 hanggang 6M doses ang ituturok ngayong Marso

    SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bumababa na ang vaccination numbers sa bansa.     Sa katunayan, 5 hanggang 6 na milyon na COVID-19 vaccine doses na lamang ang ituturok ngayong Marso.     Iniulat ni Galvez sa Chief Executive ang patuloy na pagbaba ng vaccination rate simula pa noong Nobyembre 2021.   […]

  • P73.2B inilaan sa COVID-19 vaccine ng 60M Pinoy

    Naglaan ng P73.2 bilyon ang pamahalaan para sa 60 milyong Filipino mabakunahan kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.   “Ang total niyan is about P73.2 billion financing. That’s pretty much almost fixed… [that] is good for 60 million people to be vaccinated,” saad nito sa Pangulo sa ginanap na briefing, […]

  • 8 sangkot sa droga nadamba sa buy-bust

    WALONG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis na nagresulta din sa pagkakabuwag sa isang hinihinalang drug den sa Valenzuela city.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na Sammy Iglisias, Ronelio Enriquez, Imelda Mallari, Gilbert Francisco, Ronnie Cabuso, Josephine Mallari, at […]