• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit alam na nila pero ‘di pwedeng sabihin: DINGDONG, inaming na-experience nila ang joy of discovering kung sino ang killer

ANG actress-singer na si Vina Morales ang special guest ni Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda.” 
Isa sa unang naitanong kay Vina ay kung naniniwala pa ba siya sa kasal. Medyo nabigla si Vina  pero sagot niya, isa raw iyon sa ipinagdarasal niya, naniniwala siya na may taong nakalaan para sa kanya.
“In God’s time, in God’s perfect time. I always believe na, there’s someone out there for me. The right one – ayoko nang ipilit. I still believe in marriage, for me, that’s God’s blessing.”
Dating karelasyon ni Vina si Cedric Lee, at may anak sila, si Ceana, born in 2009.
***
NAGKAROON muli ng pagsasama-sama ng cast ng hit murder mystery drama series na  “Royal Blood” para sa script reading nila since malapit na ang finale nila, ipinaalam na kung sino talaga sa kanila ang pumatay kay Gustavo.
Everybody is excited na kahit si Ms. Annette Gozon-Valdes ay nag-attend din sa script reading. Pero lahat ay hindi rin alam kung sino nga ang killer. Hinala nina Mikael Daez at Dion Ignacio hindi lamang isa ang killer, pero ayaw din nilang sabihin kung sino.
Isa pa, kahit alam na nila, hindi nila pwedeng sabihin dahil may pinirmahan silang “non-disclosure agreement”.
Ayon kay Dingdong Dantes: “Gusto namin ma-experience talaga nila yung joy of discovering kung sino yung pumatay up to the very last minute.”
Ang “Royal Blood” ay napapanood pagkatapos ng “Voltes V: Legacy” at 8:50 pm sa GMA-7.
***
SI Senator Bong Revilla Jr. ang nag-announce na ngayong naka-break ang action-comedy series niyang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” gagawa siya ng movie with Kapuso Teen Princess Jillian Ward, na may working title na “Lagot Ka sa Tatay Ko,” na gaganap silang mag-ama.
Inspired daw ito ng “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” nina Fernando Poe Jr. at Judy Ann Santos in 1999. Nagkasama na sina Sen. Bong at Jillian na child star pa lamang noon, sa tatlong MMFF movies.
Balak ni Sen. Bong ipalabas ito next year on Valentine’s Day or on Father’s Day in June.
Tamang-tama namang papatapos na rin ang top-rating afternoon prime drama series ni Jillian sa GMA-7, ang “Abot-Kamay na Pangarap” with Carmina Villarroel and Richard Yap, na napapanood Mondays to Saturdays, 2:30 p.m.
(NORA V. CALDERON)
Other News
  • Sandro, iba pang Marcoses sa Ilocos Norte, pinroklamang panalo sa local polls

    LAOAG CITY, Ilocos Norte- PINROKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) ang political neophyte na si Sandro Marcos bilang panalo sa first district congressional race sa Ilocos Norte, araw ng Martes.     “Maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga kakailian. Napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po ang unang beses […]

  • Nagmarka ang panalo ni Pringle kay Wright

    Naging rekord bilang pinakamahigpitang labanan ang panalo ni Stanley Wayne Pringle, Jr. ng Barangay Ginebra San Miguel sa Best Player of the Conference nang kadaraos na  Online 45th Philippine Basketball Association (PBA) Special Awards Night.     Tinalo ng 33 taong-gulang na 6-1 ang taas na Filipino-American combo guard ng Gin Kings si Fil-Canadian Matthew […]

  • Mahigit na 40,000 COVID-19 death toll sa PH – DOH

    Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,181 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.     Mas mababa ang naturang datos kumpara sa halos nakalipas na dalawang buwan.     Kaugnay nito, ang kabuuang mga kaso sa bansa mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,690,455.     Samantala lumagpas naman sa 40,000 […]