• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Shared bike lane’ ibinasura ng MMDA

IBINASURA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang panukala na ‘shared lane’ para sa mga bisikleta at motorsiklo sa EDSA.

 

 

 

 

Ito ay makaraan ang pulong ni MMDA chair Romando Artes sa mga kinatawan ng mga motorcycle at bicycle groups kung saan nabigo na makaabot sila sa isang kasunduan at desisyon.

 

 

 

 

Dahil dito, maghahanap na lang umano ng ibang opsyon ang MMDA para masolusyunan ang problema sa dumarami pang motorsiklo na dumaraan sa EDSA.

 

 

 

 

“As we speak maraming motorsiklo na pumapasok sa exclusive bike lanes. ‘Pag pinaghigpitan, kami pa ang kini-criticize,” dagdag niya.

 

 

 

 

Kabilang sa mga alternatibo ang “elevated walkway o bikelane”, na umano’y makatutulong sa pagpapaluwag sa trapiko sa EDSA.

Other News
  • GCash tiniyak na ‘walang nanakaw’ na pera sa users, maibabalik din sa accounts

    SINIGURO  ng mobile wallet at online payment service na GCash na mababalik din sa mobile users ang perang nawala sa kanilang account ngayong hapon — ito matapos magulat ang marami sa mga ‘di inaasahang pagkakalipat ng pondo.     No. 1 trending sa Twitter ang GCash ngayong Martes matapos ang maraming unauthorized “successful fund transfers” […]

  • Kung matutuloy mag-guest sa ‘Bubble Gang’: MICHAEL V., nakaisip na agad ng project na pwede nilang gawin ni VICE GANDA

    NGAYONG nasa GTV na ang noontime show na “It’s Showtime,” naging open na ang main host nito na si Vice Ganda na type niyang mag-guest sa mga GMA shows. Kaya naman nakaisip agad si Michael V. ng isang project sakaling gustong mag-guest ni Vice sa “Bubble Gang.”   Ayon pa kay Bitoy, open daw si […]

  • 100 BSKE candidates, diniskuwalipika ng Comelec

    TINATAYANG  100 kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang diniskuwalipika ng Commission on Elections (BSKE) dahil sa iba’t ibang mga bayolasyon.     Kasabay nito, inihayag din ng Comelec ang pagpapasa ng resolusyon na nagsususpinde sa proklamasyon ng 500 BSKE candidates kung magwawagi sa halalan. Ito ay dahil sa mga nakabinbin nilang kaso […]