Price ceiling sa bigas, desperadong hakbang para tugunan ang pagkakadismaya ng publiko
- Published on September 4, 2023
- by @peoplesbalita
NANINIWALA ang Gabriela Women’s Party na ang ipinalabas na Executive Order No. 39 ni Pangulong Marcos para sa pagtatalaga ng price ceilings sa bigas ay isa umanong desperadong hakbang para tugunan ang pagkakadismaya ng publiko sa kabiguang maipatupad nito ang pangako noong kampanya na gawing P20 ang kada kilo ng bigas.
Ayon sa Gabriela, pangunahing tatamaan nito ang maliliit na retailers – na siyang nasa dulo ng suplay chain – sa mataas na farmgate palay prices dulot ng magastos ng production inputs.
Dagdag pa ang kakulangan ng hakbang para kurbahan ang hoarding at price manipulation ng ilang rice importers at sindikato.
Sa halip na magpatupad ng artipisyal na price controls, dapat na suspindihin agad ni Presidente Marcos ang suspensyon ng Rice Liberalization Law at magbigay ng subsidiya sa mga apektadong magsasaka dulot ng rice imports at bagyo.
“Higit na kailangan ng interbensyon sa kartel ng bigas sa bansa na pangunahing nakikinabang sa importasyon at mataas na presyo ng bigas. Dapat na matigil ang pagsandig ng bansa sa imported na bigas – lalo’t papatataas ang tunguhin ng presyo ng bigas sa pandaigdigang antas at nanalasa ang isang global food crisis.” (Ara Romero)
-
130K PUV drivers, tumanggap na ng fuel subsidy sa LTFRB
NASA 130,000 driver ng mga pampublikong sasakyan ang nakinabang sa tig-P6,500 na fuel subsidy mula sa pamahalaan. Ang naturang halaga ay mahigit sa kabuuang P840 milyon na naipalabas dito ng gobyerno. Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi ng fuel subsidy […]
-
Kapuso Primetime Queen, muling mapapanood: MAX, ipu-pull out sa serye ni DINGDONG para makasama nina MARIAN
MASAYANG-MASAYA ang fans ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil finally, mapapanood na siyang muli sa primetime ng GMA-7. After five years din ang pagbabalik ni Marian sa teleserye. At kung sino dapat ang kapareha niya sa naudlot na comeback niya bago mag-pandemic, sa suppsedly “First Lady,” si Gabby Concepcion pa […]
-
PNP may 3 kumpirmadong kaso na ng Covid-19 Delta variant – ASCOTF
Kinumpirma ng pamunuan ng PNP Administrative Support For Covid-19 Task Force na mayroon ng tatlong kaso ng Covid-19 Delta variant na naitala sa kanilang hanay. Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz , ang tatlong police personnel na kumpirmadong nahawahan ng Covid-19 Delta […]