• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SIKLISTANG TINUTUKAN NG BARIL, HINIKAYAT NI BELMONTE NA LUMUTANG AT MAGSAMPA NG KASO

NANANAWAGAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa siklista na lumutang at magsampa ng kaso sa ginawang pagkasa at panunutok ng baril ng isang retiradong pulis na si Wilfredo Gonzales sa area ng Welcome Rotonda, Quezon City.

 

 

Kaugnay nito ay inatasan ni Belmonte ang People’s Law Enforcement Board o QC-PLEB na imbestigahan kung papaano hinandle ng QUEZON CITY POLICE DEPARTMENT o QCPD dahil na rin sa pagkakadismaya ni Belmonte sa Galas Police Station o Station 11 kung saan ay agad na humantong sa amicable settlement ang dalawang partido at pinagbayad pa ang siklista para sa gasgas sa kotse ni Gonzales.

 

 

Dagdag pa ng alkalde, titiyakin ng lokal na pamahalaan ang seguridad ng biktima maging ng kanyang pamilya. Maaaring natatakot ang biktima na humarap dahil ang nakatapat niya ay retiradong pulis. Nais nating bigyang-diin na walang puwang ang karahasan sa lungsod ng Quezon.

 

 

Sakaling magdesisyon ang biktima na lumapit sa QC LGU, maaring masampahan si Gonzales ng mga sumusumod na kaso Grave Threat, Slander by Deed, Reckless Imprudence, Physical Injuries, Violations of RA 10591 or absence of a License to Own and Possess a Firearm, absence of Permit to Carry.

 

 

Binigyang-diin ng city government na sa ilalim ng City Ordinance SP-2988 S-2020 o Ordinance promoting Safe Cycling and Active Transport ay maaring maparusahan ang mga motoristang haharang sa cycling lanes o walking paths.

 

 

Dagdag pa rito ang Section 8.2.2 of City Ordinance SP-2636 S-2017 or QC Road Safety Code na nagsasaad na hindi dapat iharang ang anumang sasakyan sa bike lane.

 

 

“This culture of impunity is not acceptable in QC and I have a duty and responsibility to maintain peace and order in our city and to send a strong message that acts such as those committed shall not be tolerated and that he must be held accountable,” Belmonte added.

 

 

Paliwanag pa ni Belmonte, tinitiyak nya sa cycling community at sa mga mamamayan na nakahanda ang QC LGU na itaguyod at protektahan ang mga ligtas na bike lane. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • DATING PULIS, INARESTO NG NBI

    ISANG  dating pulis ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pangongolekta ng pera  gamit ang pangalan ni retired PNP Chief General Camilo Cascolan.   Nabatid na mismong si Cascolan ang naging tulay upang maaresto ang suspek sa pamanagitan ng entrapment operation.   Matatandaan na nagbabala noon si Cascolan […]

  • LeBron James isa ng part-owner ng Boston Red Sox

    Isa ng part-owner ng baseball team na Boston Red Sox ang NBA star na si LeBron James.     Nakuha niya ang shares nito sa pamamagitan ng pagbili sa Fenway Sports Groupo ang parent company ng koponan at ilang sikat na sports teams at kumpanya.     Hindi naman binanggit ng kumpanya kung magkano ang […]

  • Comeback movie, inaasahang maghi-hit: XIAN, umaming nagkahiyaan sila ni KIM nang muling nagka-eksena after eight years

    MAY kutob kaming ang comeback movie ng real-life sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim ay maghi-hit kapag nagsimula na itong ipalabas sa mga sinehan simula sa September 28.   Ang VIVA Film’s movie nila “Always” ay isang Pinoy adaptation ng Korean hit movie noong 2011 na pinagbibidahan nina Han Hyo Joo at So […]