• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB naghihintay pa ng pondo sa fuel subsidy ng PUVs

NAGHIHINTAY pa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM) na gagamitin sa fuel subsidy ng drivers para sa mga public utility vehicles (PUVs).

 

 

Ayon sa LTFRB na kanilang ibibigay ang fuel subsidy kapag nakuha na nila ang pondo para dito.

 

 

“Once funding is available, then we can start distributing the fuel subsidy,” wika ni LTFRB Technical Division chief Joel Bolano.

 

 

Pinaliwanag ni Bolano na ang subsidies ay ipamamahagi sa may 1.3 million na PUV drivers at operators sa buong bansa depende kung anong klaseng PUV ang kanilang ginagamit.

 

 

Ang mga traditional jeepney drivers o operator ay makakuha ng P6,500 habang ang modern jeepney drivers ay bibigyan ng P10,000 bawat isang unit. Ang mga tricycle drivers naman ay tatangap ng P1,000 at ang mga riders ay makakakuha ng P1,200 kada unit.

 

 

Magiging basehan ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB sa pagbibigay ay ang kanilang operational cost at ang fuel consumption.

 

 

Noong pang nakaraang July pinayahag ng LTFRB na magkakaron ng fuel subsidy ang mga PUV drivers at operators upang mabawasan ang epekto ng patuloy na tumataas na presyo ng krudo sa merkado.

 

 

Nagbigay naman ng pahayag ang Department of Budget and Management (DBM) na kanila ng minamadali ang pag proseso ng pag rerelease ng pondo para sa fuel subsidy ng mga PUV drivers at operators.

 

 

“We are already processing the request to immediately release the funds for this purpose,” saad ni DBM bureau chief Maria Celia Abogado.

 

 

Sa kabilang dako naman, maaari magkaron ng backlog sa pag-iisue ng driver’s license dahil ang kontrata ng Land Transportation Office (LTO) sa card supplier ay nabigyan ng temporary restraining order (TRO).

 

 

Ang Quezon City Regional Trial Court ay nag issue ng TRO sa awarding ng LTO   sa bagong kontrata ng card supplier ng blank plastic cards ng driver’s license. Tatagal ang TRO ng 20 araw. LASACMAR

Other News
  • Yap nawiwiling mag- golf

    Hindi na lang sa pagdribol at pag-shoot naghahasa sa kasalukuyan si Philippine Basketball Association (PBA) star James Carlos Yap Sr. kundi sa pagsipat at pagpalo o paggo-golf.     Pinaskil sa Instagram account nitong Sabado ng 38 taong-gulang, 6-2 ang taas at mula sa Escalante City, ang pamatay niyang porma sa golf.     Sinasamantala […]

  • Nadal pasok na sa 2nd round ng Wimbledon

    PASOK  na sa ikalawang round ng Wimbledon si Rafael Nadal matapos talunin si Francisco Cerundolo ng Argentina.     Nagtala ito ng 6-4, 6-3, 3-6 at 6-4 ang seeded number 2 laban sa 41st ranked na Argentinian player.     Mula sa simula ay pinatunayan ng 36-anyos na Spanish player na kaya niyang dominahin si […]

  • Dream come true ang pagsasama nila ni Kych: GOLD, overwhelmed na nakuha ang role na para sana kay ELIJAH

    PARA kay Gold Azeron, dream come true ang pagsasama nila sa pelikula ni Kych Minemoto.     Magkaibigan sina Gold at Kych. Una silang nagkasama sa isang short film na thesis project pero hindi raw nila ito napanood. Pero pareho silang nangangarap na one day gagawa sila ng movie together.     Dumating na nga […]