• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM naglabas na ng P3 bilyong pondo para sa fuel subsidy sa sektor ng transportasyon

INAPRUBAHAN na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang paglabas ng P3 bilyong pondo para sa implementasyon ng Fuel Subsidy to the Transport Sector Affected by Increasing Fuel Prices o ang Fuel Subsidy Program (FSP)], na layong bigyan ng ayuda ang mahigit 1.36 milyong drayber at operator na apektado ng serye ng oil price hike.

 

 

“Transportation is the lifeblood of our economy. Bilin po sa amin ni President Bongbong Marcos na tulungan at huwag pabayaan ang ating mga manggagawa sa transport sector. Kaya naman po sisiguruhin namin na mabibigyan sila ng nararapat na tulong mula sa gobyerno,” pahayag ni Amenah Pangandaman.

 

 

Ang paglalabas ng pondong P3 bilyon ay kasunod na rin ng kahilingan ng Department of Transportation (DOTr), at alinsunod sa Special Provision (SP) No. 7 ng DOTr-OSEC agency-specific budget sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11936 o ang Fiscal Year (FY) 2023 General Appropriations Act (GAA).

 

 

Nauna nang nagsumite ng pormal na kahilingan ang DOTr nuong Agosto 9, 2023 ngunit ibinalik ng DBM nuong Agosto 17 dahil sa mga natukoy na ilang tinatawag na deficiencies at inconsistencies sa mga dokumento, kabilang ang hindi pagsusumite ng kaukulang guidelines mula sa DOTr, Department of Energy (DOE), at DBM, na requirement sa ilalim ng SP No. 7 ng FY 2023 DOTr-Office of the Secretary (DOTr-OSEC) Budget.

 

 

Noong Setyembre 4, muling natanggap ng DBM ang opisyal na kahilingan ng DOTr kalakip ang mga kinakailangang dokumento kabilang ang kopya ng FSP guidelines na may petsang Agostong 31, 2023 at pirmado ng mga pinuno ng DOTr, DBM, DOE, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Landbank of the Philippines (LBP).

 

 

Matapos ang validation ng LTFRB, sa pakikipag-ugnayan sa DILG, Department of Information and Communications Technology (DICT), at Department of Trade and Industry (DTI), ang natukoy na 1.36 milyong target beneficiaries ay makatatanggap ng one-time fuel subsidy, depende sa uri ng kanilang pinapasadang sasakyan:

 

-Modernized Public Utility Jeepney (MPUJ): P10,000

-Modernized Utility Vehicle Express (MUVE): P10,000

-Traditional PUJ: P6,500

-Traditional UVE: P6,500

-Public Utility Buses (PUB): P6,500

-Minibuses: P6,500

-Taxis: P6,500

-Shuttle Services Taxis: P6,500

-Transport Network Vehicle Services: P6,500

-Tourist Transport Services: P6,500

-School Transport Services: P6,500

-Filcabs: P6,500

-Tricycles: P1,000

-Delivery Services: P1,200

 

 

Batay na rin sa balangkas ng Memorandum of Agreement (MOA na isinumite ng DOTr, ang pondo ng subsidiya ay ibibigay sa DOTr-OSEC na siyang magbababa sa LTFRB, bilang implementing agency.

 

 

Ibabase naman ng LBP sa master list ng eligible beneficiaries na sertipikado ng LTFRB, DICT, DTI, at DILG, ang distribusyon ng subsidiya sa pamamagitan ng modes of payment, proseso at schedule na aprubado ng LTFRB.

 

 

Pinagsusumite rin ang LBP sa DOTr at LTFRB ng regular na kinakailangang ulat hinggil sa naging distribusyon ng subsidiya sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng monitoring ng programa.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads November 6, 2020

  • 2 TULAK TIMBOG SA HIGIT P.6M SHABU

    MAHIGIT sa P.6 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak umano ng illegal na droga na naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-12:50 ng Miyerkules ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa […]

  • P50 MILYONG PONDO IPINAG-KALOOB SA 10 OSPITAL SA LUNGSOD QUEZON

    SAMPUNG ospital sa Lungsod Quezon ang pinagkalooban ng P50-milyong pondo sa ilalim ng medical access program (MAP) ni Senador Joel Villanueva nitong Miyerkules.     Sa kanyang talumpati, sinabi ni Quezon City Mayor Belmonte “Ito ay talagang maliwanag na indikasyon ng kanilang unwavering commitment para matulungan ang buhay ng mga Pilipino.”     Ang punong […]