• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa matitinding pinagdaanan sa buhay: LANI, nasubukan ang tatag, pananampalataya at relasyon sa asawa

MAGKASAMA sina Jean Garcia (as Belinda) at Barbie Forteza (as Monique/Dino) sa Maging Sino Ka Man, at very vocal si Jean sa pagkilala kay Barbie bilang isang mahusay na aktres.

 

“Bata pa lang mahusay na siya, magaling talaga si Barbie, e!

 

“Kasi nanggagaling sa heart, hindi siya umaarte, kumbaga yung character pinag-aaralan niyang mabuti, alam niya.

 

“Alam niya na siya si Monique, alam niya na nanay niya ako, masama ang loob niya, makikita mo kasi ramdam niya talaga, natural na lumalabas sa isang Barbie Forteza.

 

“Pero hindi Barbie yung lumalabas, yung character na minahal niya, kung ano man yung show na ginagawa niya, kaya magaling na artista talaga si Barbie,” pahayag ni Jean.

 

Bata pa lamang si Barbie ay nakasama na ito ni Jean sa ‘Stairway To Heaven’ at noong nagdalaga naman si Barbie ay sa ‘The Half Sisters’ sila nagkatrabaho.

 

Ipapalabas na simula sa Lunes, September 11, 8 p.m. sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV ang Maging Sino Ka Man kung saan si David Licauco ang leading man ni Barbie, sa direksyon ni Enzo Willimas.

 

***

 

SCAMMER si Joross Gamboa sa ‘The Missing Husband’ at bilang si Brendan ay mahusay na naitawid ni Joross ang kanyang karakter sa nabanggit na GMA Afternoon Prime series.

 

Sa tunay na buhay ba ay naranasan ni Joross na ma-scam?

 

“Meron na akong experience na na-scam and actually even my parents. Marami, mga kakilala, marami akong ano, so yung mga kumbaga nakita ko dun na-apply ko dito sa show na ‘to.

 

Ang mga in-scam ni Joross sa ‘The Missing Husband’ ay sina Yasmien Kurdi (bilang Millie) at Rocco Nacino bilang si Anton.

 

“Yung character kasi with the help of siyempre si direk, visually pini-feed niya e, yung situation, yung mga eksena.

“Ang mga scammer kasi, iyon nga yung pinag-uusapan namin, mga flashy sila sa mga suot nila, sa mga gamit nila. Lagi rin silang, ito pa yung mahirap ha, yung minsan yung mga una nilang mga clients or mga nakukuha, hindi nila ini-scam, e.

“Sila yung parang resibo nung scammer na, ‘O, kita mo?’

“Hindi nila ini-scam lagi yung una nilang ano, o-offer-an nito. “Yung mga susunod. Or later on, after mong kumita sa kanila papa-invest-in ka nila ng mas malaki!

“So sina-size up so yung mga scammer iyon yung, marami, building up relationship, iyon yung pinag-uusapan namin, so mahirap, mahirap.

“Kaya kailangan, katulad nga ng sinasabi ko sa kanila na kapag it’s too good to be true or kapag medyo masyadong maboka yung nag-o-offer sa ‘yo medyo step back ka muna, magtanung-tanong ka.”

 

***

 

ISANG celebrity life story ang tampok sa brand new episode ng real life drama anthology na ‘#MPK’ o ‘Magpakailanman’.

 

 

Matutunghayan ngayong Sabado ang kuwento ng buhay ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha.
Mula sa bacterial meningitis na nakapinsala ng kanyang pandinig, hanggang sa pagkakasangkot sa isang pyramid scam na umubos sa savings ni Lani, masusubukan ang kanyang tatag, pananampalataya pati na ang pagsasama nila ng kanyang asawang si Noli.

 

Paano nalampasan ni Lani at lahat ng ito? Saan siya humuhugot ng lakas para ipagpatuloy ang kanyang pag-awit?
Abangan ‘yan sa brand new episode na “Voice of Love: The Lani and Noli Misalucha Love Story” September 9, 8:15 p.m. sa ‘#MPK.’

 

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng ‘#MPK.’

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Isa na ring young style icon: KENDRA, certified Instagram millionaire na

    CERTIFIED Instagram millionaire na ang panganay nina Doug Kramer at Chesca Garcia-Kramer na si Kendra Kramer dahil umabot na sa one million ang followers sa naturang photo-video sharing app.       Hindi nakapagtataka kung umabot sa isang milyon ang followers ni Kendra dahil sumikat ito sa mga nagawang TV commercials noong bata pa siya. […]

  • BIG-SCREEN ADVENTURE “DUNE” OPENS IN PH CINEMAS NOV 10

    AFTER an eternity of cinema closure, the time has come to experience Dune on the big screen the way it’s meant to be seen.      Warner Bros. Philippines is happy to announce that the epic adventure will open exclusively in Philippine theaters on Wednesday, November 10.     As director Denis Villenueve (“Blade Runner […]

  • 2 babae na miyembro ng ‘Anakbayan’ sumuko sa Valenzuela police

    KUSANG loob na sumuko sa pulisya at nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang babaing miyembro ng makakaliwang grupong ‘Anakbayan’ sa Valenzuela City.     “Pinangakuan po kami ng pabahay at financial, pero wala naman pong natupad. Puyat, pagod, at gutom lang po ang nakuha namin,” magkasabay na pahayag nina alyas “Anie”, 23, at alyas “Reylin”, 25, […]