• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Confidential Funds sa OVP, DepEd boluntaryong iatras

IGINIIT ni dating Congressman Atty. Barry Gutierrez kay Vice President Sara Duterte na boluntaryong bawiin ang request na Confidential Funds para sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd) para sa fiscal year 2024.

 

 

Sinabi ni Atty. Gutierez na mas mainam kung ang naturang pondo ay ilaan na lamang sa mas higit na pangangailangan ng mamamayan.

 

 

“Dito sa Confidential fund hindi mo na kailangan hintayin na kongreso mismo ang kumilos. Mismong si VP Sara, nakikita naman niya na may mga kwestyon dito, nakikita naman niya na may mga pangangailangan ‘yung iba, pwedeng ‘yung OVP mismo ang mag-request na wini-withdraw nila ang kanilang paghingi at Congress na lang ang maglilipat,” sabi ni Gutierrez.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ni Gutierez bilang reaksyon sa mga katanungan kung maaaring maisagawa ang “re-alignment” sa kasalukuyang budget ng gobyerno.

 

 

“Pwede kasi on going pa ang budget process. Isa sa mga function ng kongreso natin habang pinag-uusapan ang General Appropriations Act ay titignan kung ano ba ‘yung mga proposed budget items dito na hindi naman talaga kailangaan,” dagdag ni Gutierez.

 

 

Suportado rin si Gutierez para sa reallocating ng pondo para sa ibang sektor tulad sa agrikultura upang makatulong ang pondo na maibsan ang epekto ng price ceilings sa mga retailers.

 

 

Aniya, mas mainam na mismong si VP Sara na ang magsagawa ng inisyatibo na bawiin ang kanyang request para sa Confidential Funds habang patuloy na tinatalakay ng Kongreso ang usapin hinggil dito.

Other News
  • Pelicans star Williamson napiling isa sa cover ng NBA 2K21

    Napili bilang cover ng NBA 2K21 si New Orleans Pelicans star Zion Williamson.   Ang nasabing anunsiyo ng ay isang araw matapos na unang napiling maging cover si Portland Trail Blazers guard Damian Lillard.   Sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo ng NBA kung sino ang pangatlong player na magiging cover ng nasabing NBA […]

  • Holistic anti-illegal drugs program ng gobyerno na BIDA, inilunsad

    OPISYAL nang inilunsad ng gobyerno ang anti-illegal drugs advocacy program na tinawag na Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).     Inilarawan ito bilang “pinaigting at mas holistic campaign.”     “The BIDA program will involve local government units, national government agencies, and other key sectors of society aside from drug enforcement agencies including the […]

  • NLEX sablay sa bentahan vs barat na buyer

    BUKING na sa sektor ng negosyo na pinagbibili na ng may-ari ng North Luzon Expressway o NLEX Road Warriors ang prangkisa nito sa Philippine Basketball Association (PBA).   Nabatid sa isang impormante na may nakikipagnegosasyong isang malaking kompanya sa pangasiwaan ng Road Warriors para sa bentahan ng isa sa tatlong PBA team ni Manuel V. […]