• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAKIKINABANG ANG MARAMI SA CANNABIS INDUSTRY

MAKIKINABANG  ang marami sa cannabis industry sakaling maaprubahan ang panukalang legalisasyon sa paggamit nito bilang gamot.

 

 

Ito ang pahayag ni Zara Uytingban Cruz, isang cannabis legalisasyon advocate sa isang forum sa Quezon City.

 

 

Ayon kay Cruz, isa sa unang makikinabang ay ang mga magsasaka o nagtatanim ng tobako sa Ilocos Region dahil ang lupang taniman ng tobako ay maaring magamit sa pagtatanim ng cannabis. Dagdag pa ang mga magsasaka sa Cordillera Administrative Region o CAR na may maganda at angkop na lupa at klima para sa cannabis farming.

 

 

Paliwanag pa ni Cruz, marami pang ibang oportunidad ang maibibigay ng industriyang ito para sa mga nagtatrabaho sa larangan ng konstruksyon, logistics, at iba pa.

 

 

Sa pagtatayo ng mga pasilidad para sa research and development hanggang sa manufacturing stage at distribution, tyak aniyang marami ang mabibigyan ng trabaho.

 

 

Sa huli, nagpaalala naman si Cruz na dapat ay maisabatas na ang legalisasyon ng paggamit ng medical cannabis para maisakatuparan ang lahat ng ito. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Musical Dancing Fountain, nagpatingkad pa lalo sa Maynila

    PINASINAYAAN na ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang Musical Dancing Fountain sa Bonifacio Shrine noong Miyerkoles ng gabi. Sinaksihan din naman ito ng ilang mga opisyal ng Manila City Hall, mga City Councilors at ni Vice Mayor Honey Lacuna.   Naging makulay ang gabi dahil sa makulay na dancing fountain kung saan idinisenyo […]

  • Kaso ng COVID-19 sa NFL, nadoble

    DUMOBLE ang bilang ng kaso nang nagpositibo sa COVID-19 sa National Football League (NFL) nitong nakaraang linggo base sa inilabas na datos ng liga at NFL Players Association.   Base sa ginawang testing nitong Nov. 1-7, lumabas sa resulta na may 56 na bagong kaso: 15 ang nagpositibo sa mga manlalaro at 41 kumpirmadong kaso […]

  • NKTI emergency room, nasa full capacity na!

    PINAYUHAN ng pamunuan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang publiko na humanap na muna ng ibang pagamutan matapos na umabot na sa full capacity ang kanilang emergency room.     Sa isang advisory na pirmado ni Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, ng NKTI punung-puno na ang pagamutan  ng mga dialysis,   leptospirosis at COVID-19  patients. […]