3 most wanted persons, nadakma sa Caloocan at Valenzuela
- Published on September 15, 2023
- by @peoplesbalita
TATLONG katao na pawang wanted sa kaso ng panggagahasa ang nadakip ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan at Valenzuela Cities.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-2:25 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera si Jommel Cawasa, 41, franchise manager at residente ng Blk 6, Lot 15, Valenzuela Heights, Bignay, Valenzuela City sa Samson Road, Brgy., 80, Caloocan City.
Ani Maj. Rivera, si Cawasa ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Primo Elvin Lobina Siosana ng Regional Trial Court (RTC) Branch 128, Caloocan City noong August 29, 2023, para sa kasong Rape.
Alas-7:08 ng gabi nang madakip naman ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa pangunguna ni P/Lt. Armando Pandeagua Jr, sa manhunt operation sa Blk 8, Brgy. 35, si Jose Allan Mogol, 28, ng Blk 6, Area 2, Sawata Maypajo.
Ayon kay DSOU chief P/Lt. Col. Robert Sales, si Mogol ay inaresto ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez ng RTC Branch 131, Caloocan City noong July 10, 2023, para sa kasong Rape.
Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga operatiba ng WSS ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Lt Ronald Bautista sa ikinasang manhunt operation sa kahabaan ng Camela Vera, harap ng Happy Go Mall sa Brgy. Bignay dakong alas-3:15 ng hapon si Joseph Montillano, 51, ng A. Marcelo Street,
Sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, si Montillano ay pinosasan ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng RTC Branch 172, Valenzuela City noong September 7, 2023, para sa kasong Statutory Rape.
Pinapurihan naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang DSOU, Caloocan at Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong MWP. (Richard Mesa)
-
PBBM, binalaan ang mga smuggler at hoarder
BILANG na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder na ‘yan.” Ito ang binitiwang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon. Iginiit nito na hahabulin at ihahabla ng gobyerno ang mga agricultural smugglers at hoarders. Para sa Pangulo, mga manloloko […]
-
IATF, wala pang desisyon sa mungkahing ipagbawal ang carolling
HANGGANG ngayon ay wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mungkahing ipagbawal ang carolling sa buong bansa pagsapit ng simbang gabi sa Disyembre para maiwasan ang anumang hawaan ng Covid-19. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t hindi pa ito pinagpapasyahan ng IATF, ay naniniwala siya na mayroong siyensiya sa likod […]
-
CAYOBIT DEHADO PERO KAKASA RIN SA 36TH PBA DRAFT 2021
BATID ni Christian Cayobit na dehado siya sa mga kapanabayan sa darating na Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft sa Marso 14. Gayunman, hindi na nawalan ng pag-asa ang tunong Cebu na mang-aawit at basketbolista sa puntirya niyang makapasok sa unang propesyonal na liga sa Asya. Kabilang ang 30 taong […]