• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tinukoy ang Maharlika fund ng Pinas sa Singapore investment pitch

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang  business executives sa Singapore na i-explore  ang Pilipinas bilang investment hub, tinukoy ang Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Binanggit ng Pangulo ang MIF  sa kanyang naging talumpati sa 10th Asia Summit kung saan nagsilbing host ang  Milken Institute sa Singapore.

 

 

Buwan ng Hulyo nang tintahan ni Pangulong Marcos at naging ganap na batas ang  MIF kung saan gagamitin ang mga  state assets para sa  investment ventures para makalikha ng karagdagang public funds.

 

 

“We have also recently launched our own sovereign wealth fund, the Maharlika Investment Fund. The fund is designed to consolidate investible funds from government financial institutions to further drive economic development through strategic investments both domestically and overseas,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Given the strong fundamentals of our economy, I invite you to explore the Philippines as a destination for investment. Moreover, the Philippines’ strategic location within Asia, coupled with our membership in regional trade agreements, positions us as a gateway to countless possibilities,” dagdag na wika nito.

 

 

Aniya pa, sa larangan ng  investment, nag-aalok ang Pilipinas ng ‘myriad of opportunities’ sa iba’t ibang sector, mula ‘digital at renewable energy’ tungo sa ‘manufacturing at turismo.’

 

 

“We are a nation on the rise ready to collaborate with partners who see the potential that we hold in the Philippines,” ayon pa sa Punong Ehekutibo.

 

 

Sa isinagawang open forum, binigyang diin ni Pangulong Marcos  ang pangangailangan na mag-invest o mamuhunan habang ang gobyerno ay nagsisimula ng mag-alala ukol sa “borrowings.”

 

 

“So we need to invest more and where can we get funding to invest more without increasing our borrowings. And so we look into internally and so what are the reserves that we have that are not, in our view, were not being used,” aniya pa rin.

 

 

Tiniyak ng Chief Executive na walang politiko ang masasama o mauugnay sa MIF,  sabay sabing, mabibigo ang MIF kapag sumawsaw ang mga politiko sa pangangasiwa nito.

 

 

“If the politicians get involved, then the decisions are no longer purely financial in nature… that causes failure I think and that doesn’t make an efficient management of a fund,” ang pahayag ni Pangulong  Marcos.

 

 

“These will go into infrastructure, power development. Again those main elements are healthcare, all of the areas that we have identified as priorities,”  aniya pa rin.

 

 

Habang nililigawan ng Pangulo ang mga investors,  sinabi nito (Pangulong Marcos) na nagpakita ang Pilipinas ng

“remarkable resilience.”

 

 

“We have sustained consistent GDP growth, bolstered by prudent fiscal management and monetary policy. Despite high inflation and global market instability, our economy grew by 7.6% in 2022, the fastest rate of growth recorded by our country since 1976, coincidently, in the time of my father,” ang winika ng Pangulo.

 

 

“Economic expansion is expected to continue this year with global institutions such as the World Bank and the IMF projecting the Philippines to grow around 6% in 2023,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “the Philippines’ strategic location within Asia, coupled with our membership in regional trade agreements, “positions us as a gateway to countless possibilities.”

 

 

Samantala, sa talumpati pa rin ng Pangulo, binigyang diin nito ang dedikasyon ng Pilipinas na makamit ang mapayapang relasyon, sabay sabing “geopolitical stability is among the cornerstones of its foreign policy.”

 

 

“We also note that geopolitical stability and regional cooperation are cornerstones of our foreign policy. We are dedicated to peaceful relations and cooperation that foster a conducive investment and business climate,” anito.

 

 

“The Philippines has faced its share of challenges as with any country. But we emerge from them stronger and more resolute. Our nation’s resilience and ability to adapt are not just stories, they are lessons that we bring to the table, lessons that we share with partners who are invested in our shared future,” aniya pa rin.

 

 

Nabanggit naman ng Pangulo ang “volatile geopolitics situation” lalo na sa Asia Pacific region. (Daris Jose)

Other News
  • TOP TEN CITIES SA NCR KINILALA NG ISANG NGO

    BINIGYANG pagkilala ng isang non governmental organization ang top ten cities sa National Capital Region pagdating sa usapin ng masinop na pananalapi. Ayon kay Jose Esgaña, tagapangulo ng grupong CPAS-LEADGROUP Inc., napili ang sampung nangungunang lungsod batay sa pagsusuri na nakabase naman sa mga datos na nakalathala sa website ng Commission on Audit. Nangunguna ang […]

  • Santos, Lassiter bak-ap hinahanap ni Austria

    WALANG pili o pick ang San Miguel Beer sa 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa darating na Marso.   Kaya hahagilap ng ibang paraan si Leovino Austria para pasakan ang vacuum ng Beermen sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Abril 9.   Isang malaking babak-ap kay Arwind Santos sa No. 4 para […]

  • OCD, sa mga residente ng Cagayan Valley: Maghanda para sa epekto ng low pressure area

    PINAYUHAN ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residente ng Cagayan Valley (Region 2) na maghanda para sa potensiyal na epekto ng bagong low pressure area (LPA) na maaaring ma-develop sa isang tropical depression sa loob ng 24 oras.     Sa ilalim ng paggabay ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. at OCD Administrator […]