• January 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, niresbakan si VP Leni Robredo

NIRESBAKAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko na nagsabing may magagawa pa ang pamahalaan sa kampanya laban sa coronavirus disease or COVID-19.

 

Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay tugon na rin sa sinabi ni  Vice President Leni Robredo na ang gobyerno ay hindi handa para harapin ang COVID-19 nang magsimula na ang pandemya nito.

 

“You do it, may masabi sila. You do not do it, may masabi si Leni. What do you want us to do? Ang problema kasi nitong… ‘yung magsabi na we are not doing enough. What can we do with the germ that’s flying around?” giit ng Pangulo.

 

Kamakailan ay sinopla na ng Malakanyang at nagpahayag na walang magandang sasabihin si VP Leni  tungkol sa administrasyong Duterte sa gitna ng patuloy nitong pagpuna sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

 

Sa isang panayam kasi, sinabi ng Bise Presidente na walang konkretong plano ang national government para labanan ang virus at wala namang magbabago kung tatanggalin si Health Secretary Francisco Duque III sa pwesto dahil ang problema ay nasa sistema.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may karapatan naman ang pangalawang pangulo na magsabi ng opinyon at bilang lider ng oposisyon, tanggap na ng Malacañang na wala itong magandang sasabihin sa pamahalaan.

 

Giit ng kalihim, pwedeng sabihin ng bise presidente lahat ng negatibong bagay sa administrasyon pero suportado pa rin ng mga Pilipino si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Napag-alaman na una nang kinontra ng Palasyo ang obserbasyon ni Robredo na walang malinaw na direksyon ang Duterte administration kung paano tugunan ang COVID-19 crisis.

 

Sinabi ni Roque na umaksyon ang gobyerno kaya mababa lamang ang mortality rate ng COVID-19 sa bansa at nag-improve ang kapasidad ng mga ospital na gamutin ang mga severe at critical cases. (Daris Jose)

Other News
  • Gobyerno ng Pinas, NDF nagkasundo sa “principled, peaceful armed conflict resolution”

    KAPWA nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at  National Democratic Front (NDF), political wing ng Communist Party of the Philippines’ (CPP) sa isang  “principled and peaceful resolution of the armed conflict.”     Matapos na lagdaan ng  Philippine government at NDF ang isang  joint statement sa Oslo, Norway noong Nobyembre  23.     “Cognizant of the […]

  • Pilipinas at China, walang tensyon sa WPS

    SA KABILA ng incursions at mga protesta, iginiit ng Malakanyang na walang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa usapin ng West Philippines Sea.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang tensyon ay nasa isip lang ng mga kritiko ng administrasyon partikular na ng oposisyon.   “Wala akong nakikitang tension. Ang tension […]

  • Expansion ng PGH, itinulak ni Bong Go

    ISINULONG ni Senator Christopher “Bong” Go, chair ng Senate committee on health and demography, ang legislative bill na naglalayong dagdagan ang bed capacity ng Philippine General Hospital (PGH).     Mula sa kasalukuyang 1,500 beds nais ni Go na gawing 2,200 bed capacity ang PGH bilang bahagi ng ang kanyang layunin na palakasin ang imprastraktura […]