Crime volume sa bansa, bumaba ng 47%
- Published on September 23, 2020
- by @peoplesbalita
IBINALITA ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na bumaba ng 47% ang crime volume sa bansa sa loob ng unang anim na buwan kung saan ang bansa ay isinailalim sa lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Pinagbasehan ni Año ang data mula sa Philippine National Police (PNP).
Sa nasabing data,16,879 ang napaulat na insidente ng krimen mula Marso 17 hanggang sa kasalukuyan.
“This is almost half of the crime incidents logged six months before the lockdown, or from September 2019 to the earlier half of March 2020, where 31,1661 incidents were reported.
From 172 cases a day to 92 cases per day,” ayon kay Año sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.
Aniya pa, bumaba rin ng 61% ang insidente ng nakawan habang ang nakawan naman ng sasakyan ay bumaba ng 66% at 61% naman ang ibinaba ng nakawan ng motorsiklo.
Bumaba rin daw ang kaso ng pagpatay ng 22%, habang bumaba naman ng 24% ang kaso ng panggagahasa o panghahalay.
Sinabi pa ng Kalihim na ang pagbaba ng insidente ng krimen ay dahil na rin sa police visibility at maayos na koordinasyon sa local government units. (Daris Jose)
-
Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, inihirit ng commuters na ibalik
MULING inihirit ng mga regular commuters na maibalik na ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel. Ayon sa mga regular commuters, ramdam na nila sa ngayon ang epekto ng pagtatapos ng free rides sa carousel, lalo na ang malalayong biyahe. Mahigit P100 kada araw umano ang kailangan nilang ilaan ngayon sa pamasahe, na […]
-
Wrestling star Jay Briscoe pumanaw sa edad 38
Namatay ang American wrestling star na si Jay Briscoe noong Martes, Enero 17 (Miyerkules, Enero 18, oras sa Maynila) kasunod ng isang aksidente sa sasakyan isang linggo bago ang kanyang ika-39 na kaarawan. Inihayag ng lahat ng Elite Wrestling founder at chief executive officer na si Tony Khan ang pagkamatay ng icon ng […]
-
Ibinida rin ang first piano recital ni Zia: DINGDONG, pinasalamatan si MARIAN at tinawag na ‘incredible woman’
KAPURI-PURI talaga ang mga ginagawa ni Marian Rivera, lalo na pagdating sa kanilang pamilya, kaya naman tinawag ni Dingdong Dantes ang kanyang misis na isang ‘incredible woman’. Sa Instagram post ng Kapuso Primetime King noong May 1, ibinahagi niya ang mga larawan ng asawa na kung saan nagpa-pack ito ng mga goodies para […]