Kumpara sa ibang lalaki na nakarelasyon: RUFA MAE, kinuwento ang kaibahan ng asawa na si TREVOR
- Published on September 18, 2023
- by @peoplesbalita
MINSAN daw ay pumapasok sa isipan ni Dennis Trillo ang ilang “what ifs” sa buhay niya.
Ang “what ifs” ay mga tanong sa sarili tungkol sa consequences ng mga bagay na hindi nangyari.
Ibinahagi ng Kapuso Drama King ang isa sa kanyang mga “what ifs” ng kanyang buhay sa kanyang Instagram account.
“What if hindi ako natutong umarte at hindi ako nag artista? Ikaw, ano ang what if mo?” caption ni Dennis.
Matatandaang walang kinalaman sa pag-arte ang kursong kinuha ni Dennis sa kolehiyo na International Studies. Sa katunayan, nagtrabaho pa nga siya sa isang telecoms company bago mag-audition sa isang television network.
Bago nito, pagbabanda ang passion ni Dennis. Matapos ang mahigit 20 years sa showbiz, isa na siya sa mga tinitingalang aktor sa industriya.
Muling magbibida si Dennis sa upcoming romance drama series na ‘Love Before Sunrise.’ Kasama niya dito si Bea Alonzo, Sid Lucero at Andrea Torres.
Mula sa GMA Entertainment Group at ito ang pangalawang serye na bunga ng historic collaboration ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.
***
KINUWENTO ni Rufa Mae Quinto ang pagkakaiba ng kanyang asawa na si Trevor Magallanes mula sa ibang lalaki na nakilala niya.
“You feel at home. Hindi ka ninenerbyos. Kapag halimbawa hindi kami magkasama ngayon, hindi mo mafi-feel na ‘Ay bakit ang lungkot.’ Nakakalungkot, nami-miss ko silang mag-ama, pero hindi ‘yung feeling mo, ‘Ay bakit ganu’n?’” sey pa niya.
Ayon kay Rufa, may mga pagkakataon noon na masaya siya sa tuwing kasama niya ang kanyang boyfriend. Ngunit kapag hindi na sila magkasama, nakararamdam siya ng lungkot.
“Dalawang bagay lang pala ‘yun. Either mo mahal, or walang hiya siya,” ayon sa aktres.
Para sa kanya, mahalaga ring mahal niya ang isang tao.
“Sabi ko ‘Bakit ganoon, kapag magkasama kami tuwang tuwa ka, happy-happy? Tapos kapag lumalabas siya ng pinto, ang lungkot-lungkot. Doon ko rin na-realize na kailangan mahal mo rin ang tao, and at the same time you feel safe.”
Sa kabila nito, inilahad ni Rufa na ipinakita rin ng mga lalaking nakarelasyon niya ang pagmamahal at respeto sa kanya.
“Oo. Binigay naman nila, hindi lang talaga ako ready kasi nga marami akong gustong gawin. At ito nga ‘yon, ang ginagawa ko hanggang ngayon. Mas minahal ko lang po ‘yung mga tao at sarili ko. Tapos hindi pa tamang panahon,” saad niya.
Ikinasal sina Rufa at Trevor noong 2016. May isa na silang anak na si Alexandria Athena.
***
UNRECOGNIZEABLE na ang former American child actor na si Angus T. Jones na nagbida sa hit US sitcom na ‘Two And A Half Men’ na umere mula 2003 hanggang 2015.
Namataan si Angus, who is 29-years ld now, na nakasakay ng electric bike sa Los Angeles. Naka-black shirt at glasses ito and sporting a bald look.
Bago pa magtapos ang ‘Two And A Half Men’ noong 2015, um-exit na sa naturang sitcom si Angus at age 18 noong 2013 dahil naging conflict daw sa kanyang religious beliefs ang image at tema ng sitcom. Pero nagkaroon siya ng cameo appearance sa series finale.
Pinagpatuloy din ni Angus ang pag-aaral niya sa University of Colorado Boulder.
During his time, si Angus ang hinirang na highest-paid child actor on television. Kumikita siya ng higit sa $300,000 per episode noon sa ‘Two And A Half Men.’
(RUEL J. MENDOZA)
-
Alert Level 1 hanggang matapos termino ni Duterte
Mananatili ang Pilipinas sa Alert Level 1 hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30, 2022, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. Sinabi ni Duque na wala pang polisiya tungkol sa posibleng magpapatupad ng Alert Level 0 at pinag-aaralan pa rin ito sa ngayon. Idinagdag ni Duque na […]
-
Biggest break ang pagkakasama sa cast ng ‘Start-Up PH’: JERIC, malaking hamon na makatrabaho sina ALDEN at BEA
BIGGEST break ng Sparkle Hunk na si Jeric Gonzales ang pagganap niya bilang Davidson Navarro o Dave sa adaptation ng hit Korean drama series na Start-Up PH. Malaking hamon daw kay Jeric ang makatrabaho sa serye sina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi at ang iba pang cast members na may kanya-kanyang galing […]
-
National bowler, handa na para sa ‘new normal’ na paglalaro
Sinang-ayunan ng ilang mga national bowlers ang ipapatupad na mga pagbabago kapag nasimulan na muli ang mga laro ng bowling sa bansa. Sinabi ni Philippine Bowling Federation secretary-general Olivia “Bong” Coo, na mayroon na silang ginawang mga panuntunan para sa “new normal” na pamamaraan ng paglalaro. Bagamat aminado ito na mahirap ang maglaro […]