• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LAGUSNILAD UNDERPASS MAKE-OVER SINIMULAN NA – ISKO

INANUNSIYO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sinisimulan na ang rehabilitasyon at make-over ng Lagusnilad Underpass na malapit sa Manila City Hall, upang maging kaaya-aya sa paningin ng mga motorista lalo na sa gabi.

 

Nabatid na binigyan ng direktiba ni Moreno si City Engineering Department Head Engineer Armand Andres na simulan na ang rehabilitation na nasabing underpass na napakarumi, mabaho at madilim.

 

Ang Lagusnilad Underpass ay isang vehicular underpass na patungo sa Southbound o Taft Ave. kung manggagaling sa Jones Bridge sa Binondo o Quezon Bridge sa Quiapo.

 

Nalaman kay Moreno na inalis na ang mga sira sirang tiles at papalitan na upang ang mga dumi na buhat sa mga dumadaang sasakyan ay hindi didikit sa pader na pangit sa paningin.

 

Sinabi ng alkalde na bahagi ng plano ay pinturahan ang underpass at pailawan ito para sa kapakanan ng mga motoristang dumadaan lalo na sa gabi.

 

Sinabi ni Andres na kasama rin sa plano ni Moreno na pintahan ng mural ang pader habang ang signage ay pipintahan ng kulay gold na may kumpletong maliwanag na mga ilaw para magabayan ang motorista.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Andres na ang suliranin sa pagbaha sa nasabing underpass ay naresolba na dahil nai-transfer na ang pump at electrical room sa itaas mula sa dati nitong puwesto nasa ilalim ng underpass. Sa dati nitong lugar, ang performance ng pump ay madalas na pumapalya kapag ito ay nababasa.

 

Sa kasalukuyan, sinabi ni Andres na sinusuri ang underpass sa posibleng tagas matapos na ito ay lagyan ng aspalto.

 

Ang Lagusnilad Underpass ay para sa mga sasakyan patungong Taft o P. Burgos Avenue habang ang Manila City Hall Underpass na nagdudugtong sa City Hall saTaft at Intramuros na muling binuksan sa publiko matapos ang total make-over ay isa namang underground na daanan para sa mga pedestrian.

 

Nalaman rin kay Moreno na ang Lawton Underpass na nagdudugtong sa  Park ‘N Ride area sa Intramuros ay isasailalim din sa renovation upang higit na magamit ng publiko. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Balik-serye na rin silang mag-asawa: Plano nina MIKAEL at MEGAN na magkaroon ng anak, on-hold pa rin

    ILANG beses nang tumanggi na gumawa ng teleserye si Miss World 2013 Megan Young dahil hindi raw nito bet ang lock-in taping noong kasagsagan ng pandemya.     Pero ngayon at maluwag na ang pagtrabaho sa set, tinanggap na ni Megan ang teleserye na ‘Royal Blood’ kunsaan magkasama sila ng mister na si Mikael Daez. […]

  • Ads June 24, 2022

  • PBBM sa Kongreso, aprubahan ang 2025 budget na may kaunting rebisyon

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga mambabatas na aprubahan ang executive-crafted National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2025 sa kanilang ” usual timely manner” at umaasa na mayroon lamang na kaunti hanggang sa walang rebisyon o pagwawasto. “We look to the cooperation of our colleagues in the legislature, not only that our […]