• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Enrollment para sa SY 2023-2024, nananatiling mababa-DepEd

NANANATILING mababa ang enrollment para sa kasalukuyang school year. 

 

 

 

Base ito sa pinakabagong data mula sa Department of Education (DepEd).

 

 

 

“As of Friday, Sept. 15,”  makikita sa data  mula sa  Learner Information System (LIS) para sa school year 2023-2024 na umabot pa lamang sa 26,895,079  ang  kabuuang  bilang ng registered students para sa kasalukuyang school year.

 

 

 

Ang tatlong pangunahing rehiyon na may mataas na bilang ng enrollment ay   mula sa Region IV-A na may  3,909,872 estudyante, sinundan ng Region III na may  2,955,216 at  National Capital Region (NCR)  na may  2,777,408.

 

 

 

Sakop ng enrollment data ang mga mag-aaral ng pampubliko at pribadong paaralan sa  State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUSCs) na nag-aalok ng  basic education at iyong nag-enroll sa  Philippine schools overseas.

 

 

 

Kabilang din sa enrollment data ang mga  nagparehistro sa ilalim ng  Alternative Learning System (ALS).

 

 

 

Ayon sa DepEd, mayroong  330, 216 mag-aaral ang rehistrado sa ilalim ng ALS  ngayong school year.

 

 

 

Sa kabilang dako, sa isinagawang paglulunsad sa  2023 Oplan Balik Eskwela, sinabi ng DepEd  na  inaasahan na nito na iwe-welcome ang 28 million learners sa  47,000 schools nito sa buong bansa.

 

 

 

Ang klase para sa SY 2023-2024 ay pormal na nagbukas sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa noong Agosto 29.

 

 

 

At nang hingan ng komento ang DepEd bakit mababa ang pigura ngayon ng mga nag-enroll, makailang ulit na sinabi ng departamento na ang  enrollment ay isang “running number” and that the agency is anticipating more late enrollees.

 

 

 

Samantala, base sa enrollment data noong nakaraang taon,  mahigit sa 28 milyong mag-aaral ang nag-enroll sa basic education.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 1, 2021

  • Paghahanda ng ‘legal briefer’ ng DOJ ukol sa ICC warrants, standard procedure lang – Garafil

    “THIS  is standard procedure, not a change in position,”     Ito ang tugon ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil sa ginagawang paghahanda ng Department of Justice’s (DOJ) na ‘legal briefer’ sa mga legal na opsyon na magagamit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sakaling maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay […]

  • Ex-PAL chief Jaime Bautista, napili bilang DOTr chief sa ilalim ng administrasyong Marcos

    HINIRANG ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang dalawang outgoing officials mula sa administrasyong Duterte  bilang bahagi ng pagpuno sa mga bakanteng posisyon sa kanyang incoming administration.     Si Marcos,  nakatakdang manumpa  bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30,  ay pinangalanan sina  outgoing Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello […]