• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, muling inimbitahan na bumisita sa France

MULING inimbitahan ni French President Emmanuel Macron si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsimula ng kanyang state visit sa France.

 

 

Ang imbitasyon ni Marcos ay ipinaabot ni newly-designated French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel nang mag-prisenta  ang huli ng kanyang credentials kay Pangulong Marcos sa isang seremonya sa Reception Hall ng Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules.

 

 

Makikita ito sa  Facebook post ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM).

 

 

Matatandaang, buwan ng Enero ngayong taon, sinabi ng  French Embassy sa Maynila  na inaasahan nilang bibisita si Pangulong Marcos  sa France sa Hunyo subalit hindi naman natuloy ang naturang plano.

 

 

Buwan ng Hunyo nang muling imbitahan ni Macron  ang Pangulo na magsagawa ng  state visit sa France,  subalit hindi nakapagbigay ang gobyerno ng Pilipinas ng update ukol sa posibleng byahe.

 

 

Sa nasabing presentasyon ng kanyang credentials sa Pangulo, ipinaabot ni Fontanel  ang congratulatory message ni Macron kay Pangulong Marcos, “for successfully strengthening the Philippines’s economic growth in his first year in office,” base sa  statement na naka-post sa official Facebook page ng RTVM.

 

 

“She likewise mentions the French leader’s growing concern about the increasing tensions in the Indo-Pacific region and expresses support for the supremacy of international law,” ang nakasaad pa rin sa kalatas.

 

 

Sa kabilang dako, si Fontanel ay itinalaga rin bilang  non-resident ambassador to Palau,  Federated States of Micronesia at Marshall Islands.

 

 

Samantala, mainit na tinanggap din ng Pangulo si  bagong  Swiss Ambassador to the Philippines Nicolas Brühl na nag-presenta rin ng kanyang credentials sa hiwalay na seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Binigyang diin ni Brühl, ang lumalalim na  bilateral relations sa pagitan ng Switzerland at Pilipinas, tinukoy ang kamakailan lamang na ipinatupad na  Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng dalawang bansa at ang papel ng Switzerland bilang “largest investor” mula Europa sa Pilipinas.

 

 

Binigyang diin din nito ang kontribusyon ng Switzerland sa “sustainable peace and stability” sa Pilipinas.

 

 

Aniya, nagsisilbi ito bilang  “tangible proof of long-term collaboration based on trust and friendship between the two countries.”

 

 

Binigyang-diin din ni Brühl  ang lumalalim na  cultural exchanges sa pagitan ng  Switzerland at Pilipinas, binaggit ang presensiya ng  3,600 Swiss nationals  na nakatira sa bansa.

 

 

“He expresses his commitment to further strengthen relationships between the two countries and its peoples,” ayon sa hiwalay na Facebook post ng RTVM.

 

 

Samantala, si Brühl ay itinalaga rin bilang non-resident ambassador to the Federated States of Micronesia, Republic of Palau at Republic of the Marshall Islands.

 

 

Bago pa siya italaga sa bago niyang posisyon, nagsilbi muna si Brühl bilang Ambassador of Switzerland to South Africa, Botswana, Eswatini, Lesotho, Mauritius at Namibia.  (Daris Jose)

Other News
  • Ayuda sa Abril 6 masisimulang maibigay – DILG

    Sa Martes, Abril 6, o sa Miyerkules, Abril 7, pa maaaring matanggap ng mga residente sa National Capital Region (NCR) Plus areas ang ayuda mula sa pamahalaan.       Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, maaring bukas pa kasi maibababa ng Bureau of Treasury ang pondo sa mga […]

  • DAR, gagamitin ang P10-B para maabot ang ‘dignified goals’ para sa mga magsasaka ni PBBM

    ALINSUNOD sa naging direktiba ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ipamahagi ang mga lupain  ng libre at paigtingin ang probisyon ng “support services” sa mga magsasaka, pinangunahan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang 150th meeting ng Presidential Agrarian Reform Council Executive Committee (PARC ExCom), araw ng Biyernes, Oktubre 28.     “I […]

  • Online na muna ang 2021 PSA Annual Awards Night

    SA unang pagkakataon sa kasaysayan, isasagawa ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang taunang SMC-PSA Annual Awards Night sa pamamagitan ng virtual sanhi ng kasalukuyang COVID-19.     Nakatakda ang aktibidad sa Marso 27, na may limitadong bilang lang ng mga panauhin na papayagan sa studio ng TV5Media Center sa Mandaluyong, habang ang natitirang mga awardee […]