PCSO chair, pinuri positibong epekto ng Bagong Pilipinas Service Fair
- Published on September 27, 2023
- by @peoplesbalita
PINURI ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie E. Cua ang positibong epekto ng programa tulad ng “Bagong Pilipinas Service Fair” sa pagpapalapit ng pamahalaan sa mga mamamayan.
“Programs such as the Bagong Pilipinas Service Fair have a positive impact on our communities. Dahil sa mga programang ganito na gobyerno mismo ang lumalapit sa mga tao, nabibigyan ng agarang solusyon ang mga problemang hinaharap ng mga kababayan natin,” ani Cua.
“I am confident that this government has more programs in store for the people,” dagdag ni Cua.
Sumama si Cua kay Pres. Ferdinand Marcos, Jr. at iba pang opisyal ng gobyerno sa paglulunsad ng service caravan sa Camarines Sur noong Sabado.
Itinampok sa paglulunsad ng caravan ang programang “Kadiwa ng Pangulo” na naglalayong mapabuti ang access sa abot-kayang pagkain at iba pang mga produkto; passport on wheels, driver’s license registration and assistance, National ID, Pag-IBIG Fund, National Bureau of Investigation at police clearance applications.
“Sumama rin po ang PCSO para ipaalam sa mga kababayan natin na maaari silang humingi ng tulong sa ahensiya,” ani Cua.
“Ang ating Medical Access Program ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kababayan natin para sa iba’t ibang sakit, medical at laboratory procedure. Bukod pa po ito sa iba’t ibang donasyon ng PCSO sa mga LGU, ospital, at iba pang ahensya ng pamahalaan,” dagdag pa ni Cua.
Tiniyak din ni Chairman Cua na patuloy na magsusumikap ang PCSO para suportahan ang pangako ng administrasyong Marcos sa taos-pusong paglilingkod sa taumbayan. (Daris Jose)
-
Ads April 13, 2024
-
Kaso ng mpox sa bansa nasa 15 na – DOH
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 15 ang kaso ng mpox sa bansa. Sa nasabing bilang ay 11 dito ay mula sa National Capital Region, tatlo sa Calabarzon at isa sa Cagayan Valley. Karamihan sa mga pasyente ay lalaki at iisa lamang ang babae kung saan hindi na binanggit pa ng […]
-
COVID-19 lockdown sa Shanghai, China pinalawig pa
PINALAWIG ng mga otoridad sa Shanghai, China ang ipinatupad nilang lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19. Kung dati kasi ay mayroong hiwalay na paghihigpit sa western at eastern Shanghai. Maituturing ngayon ang Shanghai bilang pinakamalaking lungsod sa China na naka-lockdown. Sa ngayon ay aabot sa 13,000 na […]