• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangako na paiigtingin ang pagsisikap na tiyakin ang ‘proactive farming” sa bansa

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paiigtingin ng pamahalaan ang pagsisikap nito na tiyakin ang ‘proactive farming’ sa bansa.

 

 

Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati na binasa ni Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa idinaos na ika-51 taong anibersaryo ng National Food Authority.

 

 

“I share with you our high hopes in the success of the SARAI Project—or the Smarter Approaches to Reinvigorate Agriculture as an Industry in the Philippines Project,”  ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Through this, we will be intensifying our efforts in providing smart and sustainable solutions for a more productive and proactive farming. Likewise, I am optimistic in the positive impacts that will be carried out by the NFA Modernization Program,” dagdag na wika nito.

 

 

Inamin ng Punong Ehekutibo na nito lamang  nakalipas na buwan  ay maituturing na talagang isang malaking hamon para sa sektor ng agrikultura.

 

 

“However, we continue to find the best solutions to the issues that we face without compromising the needs of our farmers and retailers,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“We continue to relentlessly strive to bolster the agriculture sector to increase our local food production and supply,” aniya pa rin.

 

 

Binanggit ng Chief Executive na gumagawa na ng agresibong hakbang ang pamahalaan para mapagaan ang epekto ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa ‘price stability’ ng mga pangunahing bilihin lalo na ng bigas.

 

 

Samantala, ipinag-utos naman ni Pangulong Marcos ang pagpapalakas sa law-enforcement activities laban sa mga  smugglers, hoarders, at mga nagpapahina sa  pagsisikap ng gobyerno na  siguraduhin ang food security. (Daris Jose)

Other News
  • Dating kasagupa ni Pacman na si Broner kulong sa US

    NAKAKULONG ngayon ang dating kasagupa ni Filipino boxing champ Manny Pacquiao na si dating four-division world boxing champion Adrien Broner matapos itong hatulan ng korte sa kasong contempt.   Ayon sa ulat, nabigo si Broner na bayaran ang mahigit $800,000 sa isang babae na kanyang sinaktan sa isang nightclub noong 2018.   Sinabi ni Judge […]

  • After four years, mapapanood na ang most epic primetime series… Direk MARK at buong cast ng ‘Voltes V: Legacy’, naging emosyonal

    TEARS of joy ang hindi napigilang reaction ni Director Mark Reyes at ng cast ng most epic primetime series to land on Philippine television via “Voltes V: Legacy.”       Paano nga naman, inabot ng four years in the making ang first-ever live action adaptation of the phenomenal Japanese ‘70s anime ‘Voltes V’ na nag-premiere […]

  • Mahigit 200 Pinoy, balik-Pinas mula Macau

    MAHIGIT sa 200 Overseas Filipino sa Macau ang kamakailan lamang ay nagbalik-Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan.     Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng tulong ng Philippine Consulate General sa Macau, may 203 Filipino ang dumating sa bansa noong Pebrero 16.     Kabilang sa mga pinauwi ang […]