• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating kasagupa ni Pacman na si Broner kulong sa US

NAKAKULONG ngayon ang dating kasagupa ni Filipino boxing champ Manny Pacquiao na si dating four-division world boxing champion Adrien Broner matapos itong hatulan ng korte sa kasong contempt.

 

Ayon sa ulat, nabigo si Broner na bayaran ang mahigit $800,000 sa isang babae na kanyang sinaktan sa isang nightclub noong 2018.

 

Sinabi ni Judge Nancy Margaret Russo na hindi pinansin ni Broner ang ibinigay ng korte na deadlines at extensions sa pagbabayad sa biktima.

 

Sa kabila ng kanyang pagbalewala sa hatol ng korte, nakuha pa ni Broner na ipagyabang sa social media ang kanyang pera na nangangahulugan na kakayahan itong magbayad.

 

Hindi umano makakawala sa kulungan si Broner hanggang hindi nito naibibigay ang valid reason sa kakayahan nitong magbayad, ayon kay Russo.

 

Matatandaang huling lumaban ang 31-anyos na si Broner ng talunin ito ni Filipino boxer Manny Pacquiao noong 2019.

 

Hawak nito ang record na 33 panalo, apat na talo at isang draw na mayroong 24 knockouts.

Other News
  • Tabal sumuko na sa 32nd Summer Olympic Games

    TAAS kamay na si 2016 Rio de Jainero Olympian marathoner Mary Joy Tabal sa iniurong sa darating na Huly 23-Agosot 8 dahil sa COVID-19 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.     Ito ang binunyag ng 30th ┬áSoutheast Asian Games Philippines 2019 silver medalist at dating pambato ng Philippine Athletics Track and […]

  • Unang araw ng pambansang pagbabakuna, napakatagumpay- Sec.Roque

    NAPAKAMATAGUMPAY ng nangyaring pambansang pagbabakuna ng Sinovac na nagsimula araw ng Lunes, Marso 1 sa iba’t ibang ospital sa bansa.   Ipinagmalaki ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang dobleng bilang ng mga nagpabakuna sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan ay hindi ito inaasahan ng pamunuan ng PGH.   “At least doon sa PGH kung […]

  • Ilang opisyal ng DOTr sinampahan ng reklamo sa Ombudsman ng Manibela

    NAGHAIN ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ang transport group na Manibela.     May kinalaman ito sa revocation ng kanilang prankisa ng mga hindi nakasali sa consolidation program ng mga public utility vehicles (PUV).     Ang mga sinampahan ay pinangunahan nina DOTr Secretary […]