Kahanga-hanga ang tapang sa pagsagot sa mga isyu: CARLA, muling binanggit na matagal ng wish na makatrabaho si PIOLO
- Published on September 30, 2023
- by @peoplesbalita
HANGANG-HANGA kami sa Kapuso Primetime Goddess na si Carla Abellana na buong tapang na sinagot ang mga tanong na ibinato sa kanya ng entertainment press na dumalo sa bonggang contract signing para sa bago niyang talent management, ang All Access to Artists, Inc. (Triple A).
Bihira na kasi ngayon sa mga mediacon na hindi pagbabawalan o lilimitahan ang pagtatanong ng management ng artista. Na sa tingin namin, tama lang na ‘wag diktahan o pangunahan, dahil nasa artista naman yun kung type niyang sagutin o hindi ang isyung itatanong sa kanya.
At dito mo nga labis na hahangaan si Carla, nasagot at naitawid naman niya ito ng buong ningning, kaya happy lahat ng dumalo dahil maraming masusulat at malaman ang mga videos na ipo-post.
Anyway, dumalo ang Presidente at Chief Executive Officer ng Triple A na si Direk Mike Tuviera, Ms. Jacqui Cara, head of Operations at isa sa execom na si Mr. Jojo Oconer para sa naturang contract signing, na pinaghandaan talaga, mula sa venue, pagkain at inumin, at may bonggang pa-raffle pa.
Isa nga sa natanong ay kung naka-move on na nga si Carla sa dating asawa na si Tom Rodriguez. Base sa kanyang aura, okay na okay na si Carla at napatawad na niya ang aktor, at hindi ito ang dahilan ng kanyang paglipat ng management.
Although, maliit lang naman ang mundo ng showbiz, magkikita at magkikita rin sila. Pero hindi siya ang unang babati at ayaw na niya munang makasaya sa ano mang projects, na understandable naman.
Binanggit uli ni Carla na matagal ng wish na maka-work si Piolo Pascual.
“Isa po sa pangarap ko Piolo Pascual po, matagal ko ng pangarap ‘yun! Whether pelikula o teleserye kahit ano po,” nangingiting sabi ni Carla.
Ipinahayag din niya sa mediacon na noong May 2023 pa nag-expire ang kontrata niya sa GMA-7 at isa nga ‘yun sa pinag-uusapan ngayon kanyang bagong management na magpatuloy ang pagiging Kapuso niya.
Na sa tingin namin, hindi naman basta-basta pakakawalan ng Kapuso Network ang isa sa mahuhusay nilang aktres at host.
Kahit na biglang lumabas ang isyu na posible raw na mag-guest siya sa serye ni Coco Martin na “FPJ’s Batang Quiapo”.
Kaya reaction niya ng matanong sa presscon, “Oh my gosh! Ha-hahahaha! Kung bibigyan po ako ng opportunity why not? My goodness I would like to be part of Batang Quiapo pero wala naman pong offer, wala pong inaalok sa akin maging part ng Batang Quiapo.
“Sa ngayon wala naman pong kahit na anong offer na maging parte ng kahit anong proyekto, pero kung aalukin po ako, yayain po ako, magiging open po ako ro’n.”
At dahil nga parte na siya ng Triple A, excited na siya Carla na makatrabaho ‘yung iba’t ibang artista, lalo na ang mga aktor na ‘di pa niya nakakasama, Kapuso man o taga-ibang istasyon.
Sa ngayon siguradong mapapanood pa si Carla sa GMA-7 dahil sa upcoming series na “Stolen Life” na eere ngayon Nobyembre.
Muli niyang makakatambal si Gabby Concepcion, kasama sina Ms. Celia Rodriguez at Beauty Gonzales,
Nakatrabaho ni Carla si Gabby noong 2015 sa seryeng “Because Of You”.
Pinuri naman ni Carla ang kaniyang co-star na si Beauty na para sa kanyang ay isang ‘passionate artist.’
“Working with Beauty Gonzalez has been such, oh my gosh!, a wonderful experience. I’ve learned so much from her. Napaka-passionate na artista, maliit na eksena, malaking eksena bigay todo siya.
“Never half lang ang kaniyang performance, talagang todo! Ibang klase and talagang ‘yung energy niya laging full, hindi siya nandadaya.
“Ayaw niya ng so-so ‘yung kaniyang performance and she has taught me a lot about ‘yung ano talaga ‘yung importance nung aming trabaho.”
Ang ‘Stolen Life’ na tungkol sa babaena “mananakawan” ng buhay dahil sa astral projection, ay mula sa direksyon ni Jerry Sineneng.
(ROHN ROMULO)
-
Matibay na pagkakaibigan ng Pinas at China, binigyang diin ni PBBM sa ginanap na ground -breaking ceremony Samal Island-Davao City Connector bridge project
IBINIDA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tibay ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at China. Sa isinagawang ground -breaking ceremony sa Samal Island-Davao City Connector bridge project, sinabi ni Pangulong Marcos na ang nasabing proyekto ay isang patunay ng magandang relasyon ng dalawang bansa. Sa naging talumpati ng […]
-
‘City Hunter The Movie: Angel Dust’ Dives Deep into Tokyo’s Shadows, Mixing Action, Mystery, and Cameos
THE final chapter begins in the long-awaited theatrical release of City Hunter The Movie: Angel Dust with the film’s main protagonist Ryo Saeba, a highly-skilled gunman and most-sought “sweeper” working tirelessly to get rid of crimes in the city of Tokyo. A non-stop hyper-action anime film, City Hunter The Movie: Angel Dust is based on the latest […]
-
Presyo ng face masks na binebenta sa gobyerno, sisirit: DTI
MAGTATAAS ng presyo ng face mask ang lokal manufacturer sa bansa kasabay ng pagtaas ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas. Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na bunsod ito ng ilang mga market factor. “They gave us [the face masks] at a low price. Bago pa tumaas […]