• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presyo ng face masks na binebenta sa gobyerno, sisirit: DTI

MAGTATAAS ng presyo ng face mask ang lokal manufacturer sa bansa kasabay ng pagtaas ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

 

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na bunsod ito ng ilang mga market factor.

 

“They gave us [the face masks] at a low price. Bago pa tumaas naka-commit na siya. Ngayong tumaas na, as they are producing, sabi niya he’s losing like P15 million a month, lugi po,” ani Lopez sa isang Senate hearing.

 

“Higher na ‘yung cost niya but nag-commit siya ng P8 sa atin pero itinuloy niya pa rin ‘yun but the succeeding [batch] po there might be some adjustments,” dagdag pa ni Lopez.

 

Ayon sa kalihim na kayang magproduce ng local manufacturer ng 2.4 milyong face mask sa isang buwan at halos 1.6 milyon nito ang dumidiretso sa gobyerno sa presyo P8, mas mababa ito sa P25 hanggang P50 kada piraso na presyuhan ngayon.

 

Hinikayat naman ng Department of Health ang publiko na huwag mag-hoard ng mga face mask.

 

“Iwan na po natin ‘yung mga face mask para po sa ating mga health workers na sila po talaga ang frontliners sa pangangalaga ng ating mga may sakit,”pahayag ni Duque. (Gene Adsuara)

Other News
  • Mga tour operators, handang magbigay ng 75 percent off sa room rate

    UMAPELA sa gobyerno ang mga negosyante sa Boracay na sana’y tanggalin ang ilang mga require- ments para sa madali at bawas hassle na pagtungo ng mga turista sa isla.   Ang nasabing apela ay ginawa sa harap ng napakatumal pa ring dating ng mga turista sa Boracay magmula ng itoy binuksang muli sa publiko nitong […]

  • Austria patok kay Cone sa Coach of the Year

    GIRIAN sina Leovino Austria at Earl Timothy Cone para sa 2019 Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year award sa 26th Annual Awards Night ng PBA Press Corps 2020 sa Marso 16 sa Novotel Manila sa Araneta Center, Quezon City.   May tigatlong CotY award na sina Cone noong 1994, ’96, 2014, at Austria (2015, […]

  • Tom Holland & Daisy Ridley in First Trailer for ‘Chaos Walking’

    IT’S a new sci-fi film from the director of ‘Bourne Identity’ and ‘Edge of Tomorrow’!   The first trailer for the upcoming film Chaos Walking has been released!   Based on The Knife of Never Letting Go by Patrick Ness, this sci-fi film stars MCU’s Tom Holland and Star Wars actress Daisy Ridley.         […]