• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagtala ng mataas na ratings: Radyo5 TRUE FM, pinarangalan bilang Best Radio Station sa ’11th Makatao Awards”

MAY bagong milestone na nakamit ang Radyo5 TRUE FM matapos tanghaling bilang ‘Best Radio Station’ sa 11th Makatao Awards ng People Management Association of the Philippines o PMAP kamakailan.

 

 

 

Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng malaking tagumpay para sa Radyo5 mula nang nag-rebrand ito noong Marso at binago ang kanilang programa upang maghatid ng makatotohanang at makabuluhang balita na may kasamang programang serbisyong pampubliko sa FM band.

Ayon sa NIELSEN ratings, nasa ika-7 puwesto ang istasyon sa FM band at ika-8 puwesto sa lahat ng istasyon sa bansa, lumampas sa DZBB na nasa ika-10 puwesto. Samantala, batay sa KANTAR ratings, kinilala ang TRUE FM bilang nasa Top 5 sa ikalawang quarter ng 2023.

Tumaas din ang weekly listenership ng istasyon dahil umabot ito sa impresibong 23%. Kasalukuyan pa itinuturing na most followed radio station page sa bansa ang Radyo5 TRUE FM dahil sa 5.2 milyon followers nito sa Facebook.

 

 

 

Ang mga numero na ito ay nagpapatibay ng malaking pag-unlad na nagawa ng istasyon sa pagiging top choice ng mga radio listeners para sa “real, relatable and reliable content” na hango sa kanilang battlecry na “Dito Tayo sa Totoo!”

Kabilang sa mga pangunahing programa ng TRUE FM ang “Bangyon Bayan with Mon” ni Mon Gualvez, “Ted Failon & DJ Chacha,” ang flagship news program na “Radyo5: Balita Pilipinas,” “Sana Lourd” ni Lourd De Veyra, “Pinoy Konek” ni Danton Remoto, “Dr. Love” ni Bro. Jun Banaag, “Wanted sa Radyo” ni Senador Raffy Tulfo, “Healing Galing” ni Dr. Edinell Calvario, “Cristy Ferminute” ni Cristy Fermin, at marami pang iba.

“With these achievements, Radyo5 TRUE FM reaffirms its commitment to transparency, accuracy, and fairness in journalism while continuing to provide quality content that resonates with its target audience,” sabi ni Raul M. Dela Cruz, Radyo5 TRUE FM General Manager.

“Tune in to the country’s real, relatable, and reliable radio station and find out why more and more listeners are getting hooked to Radyo5 TRUE FM’s engaging programs,” dagdag pa niya.

Para sa karagdagang impormasyon at mga update, bisitahin ang mga social media pages ng Radyo5 TRUE FM sa FacebookX app, at TikTok.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Jay Sonza, arestado sa illegal recruitment

    DINAKIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dating broadcaster na si Jay Sonza makaraang masangkot sa syndicated at large-scale illegal recruitment.     Isinuko ng BI sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sonza saka inilipat sa Bureau of Jail Management and Penology, ayon kay NBI Assistant Director Glenn Ricarte. […]

  • Ads May 18, 2024

  • WHO nakahanap ng mga ebidensiya na mas hindi nakakahawa ang Omicron

    Nakahanap pa ng mas maraming ebidensiya ang World Health Organization (WHO) na ang Omicron coronavirus variant ay labis na naapektuhan nito ang upper respiratory tract.     Pero may katamtamang sintomas nito kumpara sa naunang Delta variant.     Sinabi ni WHO Incident Manager Abdi Mahamud na maraming mga lumabas na pag-aaral na ang target […]