• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jay Sonza, arestado sa illegal recruitment

DINAKIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dating broadcaster na si Jay Sonza makaraang masangkot sa syndicated at large-scale illegal recruitment.

 

 

Isinuko ng BI sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sonza saka inilipat sa Bureau of Jail Management and Penology, ayon kay NBI Assistant Director Glenn Ricarte.

 

 

Nabatid na dinakip ng mga operatiba ng BI si Sonza dalawang linggo na ang nakakaraan habang pasakay ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 patungo sa Hong Kong  at nang dumaan siya sa immigration counter para sa interview dito  natuklasan na mayroon siyang nakabinbin na kasong estafa kaya pini­gilan ang kaniyang paglipad.

 

 

Tuluyan siyang idinitine nang matuklasan pa na mayroon siyang aktibong warrant of arrest sa kasong syndicated at large-scale illegal recruitment.

 

 

Sumailalim naman umano sa proseso si Sonza na nagawang matawagan ang kaniyang abogado nang iditine siya ng BI.

 

 

Napayuhan din siya ng mga legal na opsyon lalo na’t hindi siya maaaring makapag­lagak ng piyansa dahil sa kasong syndicated or large scale illegal recruitment.

Other News
  • Biden, pormal nang nanumpa bilang 46th US president

    Opisyal nang nanumpa bilang ika-46 pangulo ng Estados Unidos si Joe Biden.   Idinaos ang kanyang panunumpa sa US Capitol, na pinangasiwaan ni Supreme Court Chief Justice John Roberts. Sa kanya namang unang talumpati bilang US president, nanawagan si Biden na magkaroon ng bagong simula sa pulitika sa kanilang at pagtanggi sa aniya’y pagmanipula sa […]

  • Ads September 14, 2023

  • DongYan fans, walang dapat ipag-alala: DINGDONG, natsi-tsismis na namang may babae na malinaw na haka-haka lang

    HINDI kami halos makapaniwala na simula sa pagiging child actress at five years old at halos napakaraming nagawang teleserye sa ABS-CBN, bukod pa sa suki rin dati ng ‘Maalaala Mo Kaya’, unang lead role pa lang pala talaga ni Jane Oineza ang “Nag-aapoy na Damdamin” na magsisimulang mapanood ngayong Lunes, July 24 sa Kapamilya Gold. […]