Lahat ng sementeryo at Columbarium sa bansa, sarado – Malakanyang
- Published on September 21, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na sarado ang lahat ng sementeryo ng bansa simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 para maiwasan ang pagdagsa at pagsisiksikan ng tao sa All Souls Day.
Ang Columbarium ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay sarado rin sa nasabing panahon.
Ang pansamantalang pagsasara ng lahat ng sementeryo sa All Souls’ Day, taunang tradisyon ng milyon-milyong Filipino na bumibisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Kaugnay nito, inanunsyo ng Metro Manila Development Authority na sarado ang lahat ng mga sementeryo sa Metro Manila sa All Saints’ Day.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, unanimous ang naging desisyon ng mga alkalde sa Metro Manila kaugnay sa naturang usapin, kung saan ilalatag din ang mga panuntunan para sa pagpapatupad nito.
Napag-alaman na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang unang nag-anunsyo na sarado ang lahat ng mga sementeryo at columbaries mula Oct. 31 hanggang Nov. 3, para sa obserbasyon ng Undas, upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Agad rin na naglabas ng parehong hakbang ang San Juan, Valenzuela, Mandaluyong, Pateros, Malabon, Makati at Parañaque, ganun din ang Cebu City. (Daris Jose)
-
Kelot, bebot kulong sa droga at pagpalag sa parak sa Caloocan
HIMAS-REHAS ang dalawang drug suspects, kabilang ang 54-anyos na ginang matapos mabisto ang dalang shabu makaraang manlaban umano sa mga pulis na mag-iisyu sa kanila ng tiket dahil sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City. Mahaharap sa kasong paglabag sa Disobedience to a Person in Authority or his Agent at Comprehensive Dangerous Drug Act […]
-
Bagong utang ng Pinas, aprubado ng World Bank
INAPRUBAHAN ng World Bank (WB) ang $178.1-million o ₱9.7 bilyong pisong loan o bagong utang ng Pilipinas na naglalayong palakasin ang pagsisikap nito laban sa malnutrisyon, isang linggo bago pa bumaba sa kanyang tanggapan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang “fresh credit” ay para sa Philippine Multisectoral Nutrition Project, na susuporta sa probisyon […]
-
Halos sabay silang nagka-Covid ni Paulo: KIM, willing pa ring magmahal after na mahiwalay kay XIAN
HALOS sabay nagka-Covid ang mga bida ng ‘Linlang’ na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, kaya wala sila sa presscon na ginanap sa Dolphy Theatre. Dahil doon ay bukod tanging sina Diamond Star Maricel Soriano at Race Matias ang nakarating, kasama ang dalawang direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguin. Pero live naman […]