• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dingdong, muling idinirek si Marian sa bagong episode ng ‘Tadhana’

BALIK ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa trabaho dahil muling idinirek ni Dingdong si Marian sa bagong episode ng GMA’s drama anthology series on OFW’s, ang Tadhana.

 

     Nag-share sa Instagram si Dingdong ng photo shoot niya ni Marian with the caption: “Ooops, tatlo na sila! Sa sobrang cute nila, nalilito na tuloy ako kung saan titingin.”

 

Sagot naman ni Marian sa kanyang post: “Tapos na ang usapan di ba? Hello, Dingdong!”  May hashtag itong #NagBYEnaAkoKayHyunBin

 

Ano nga naman ang laban ni HyunBin sa asawa niyang si Dingdong Dantes?

 

Ang Tadhana, hosted by Marian ay napapanood tuwing Sabado, 3:15PM pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA-7. (PHOTO: INSTAGRAM/@dongdantes)

 

***

 

     MASAYA at suportado ni Glaiza de Castro ang BFF (best friend forever) niyang si Angelica Panganiban dahil nakakita na ito ng new love kay Subic-born yacht designer na si Gregg Homan.

 

Nagulat nga raw siya nang mag-announce ang aktres sa kanyang Instagram last January 1.

 

Hindi raw kasi sila nagkakausap ni Angelica dahil wala siya sa bansa at nagba-bakasyon sa Ireland sa family ng boyfriend niyang si David Rainey.

 

“Kaya nagulat ako sa announcement niya, pero happy ako na talagang natagpuan din siya ng taong magmamahal sa kanya,” sabi pa ni Glaiza sa isang interview.

 

Sa palagay ko naman ay perfectly matched sina Angelica at Gregg. Swak at compatible sila sa character at interest nila.”

 

Alam ni Glaiza ang mga pinagdaanan ng kaibigan pagdating sa lovelife nito.

 

     “Sa lahat ng hirap at sakripisyo, sa lahat ng mga iyak, hindi naman laging ganoon ang kakaharapin niya o mai-experience niya, siyempre, lahat iyon may kapalit. Kaya happy ako kasi, she deserves to experience itong love na ito.

 

“Siguro masyadong exposed iyong mga past relationships niya, medyo nagkaroon ng epekto iyon sa kanya.  Kaya feeling ko ngayon, makakatulong kina Angelica at Gregg na hindi sila parehong nasa showbiz.”

 

***

 

DALAWANG drama series ng GMA Network ang sabay-sabay na magbabalik sa ere sa Monday, January 18.

 

Magsisimula na muling mapanood ang Magkaagaw nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda at Jeric Gonzales.  Kapana-panabik na ang mga eksena nila dahil nasa climax na ang story nang magkaroon ng pandemic at nahinto sila.

 

Kaya kahit ang cast, sumabak sila sa matitinding eksena, pero panoorin muna natin ang recap nito simula sa Monday, 2:30PM, pagkatapos ng Eat Bulaga.

 

Ibabalik na rin sa January 18, at mapapanood na ang recap ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday nina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, Snooky Serna, Dina Bonnevie at Jay Manalo. 

 

Kapana-panabik na rin ang mga eksena dahil ito na iyong malalaman nila ang sekreto sa pagkatao nina Barbie at Kate, At simula naman sa February 8, mapapanood na ang mga fresh episodes ng serye.

 

Kasalukuyan namang napapanood ang recap ng drama series na Love of my Life nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Rhian Ramos, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes, gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia, pero sa January 18, magsisimula nang mapanood ang mga new episodes, magkakaroon kaya ng twist ang story? (Nora V. Calderon)

Other News
  • Sa MP2 savings program: Pag-IBIG members nakaipon ng P26 bilyon

    UMAABOT na sa halos P26 bilyon ang kabuuang naipon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund sa ilalim ng Modified Pag-IBIG 2 (MP2) savings program na isang pananda na mas dumami pa ang mga pumapasok at sa programang ito sa kabila ng umiiral na pandemya.     Ang MP2 Savings program ay isang vo­luntary savings platform […]

  • SIMBAHAN, MANANATILING NON-PARTISAN SA ELEKSIYON

    TINIYAK ng isang  obispo na mananatiling non-partisan ang simbahan at hindi mag-eendorso ng pulitiko sa nalalapit na halalan.     Ayon kay Novaliches bishopc emeritus Teodoro Bacani Jr., bagama’t walang batas na pumipigil sa mga pari na makialam sa pulitika, sinasaad naman sa batas ng simbahan na hindi maaring kumandidato o mag-endorso ang mga pari […]

  • Kelot na walang facemask huli sa marijuana

    NABISTO ang dalang illegal na droga ng isang kelot nang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr ang naarestong suspek bilang si Dante Avila, 29 ng Barangay 150, Bagong […]