• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GOBYERNO NG AMERIKA, HUMINGI NG DOKUMENTO SA COMELEC

HINILING ng gobyerno ng Amerika sa Commission on Elections (Comelec) na magbigay ng mga dokumento para sa kaso laban kay dating Comelec Chairman Andy Bautista na iniulat na nahaharap sa money-laundering at bribery charges sa Amerika.

 

 

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa panayam ng ANC na nakipag-ugnayan ang US government at hiningi ang tulong ng Comelec.Aniya, hiniling ng gobyerno ng Amerika sa komisyon ang ilang mga dokuemnto at hiniling din na kunan ng pahayag ang ilang indibidwal mula sa komisyon .

 

 

Katunayan ayon sa poll chef, ang poll body ay tumulong at ganap na nakipagtulongan at ibinigay ang lahat ng hinihiling ng Amerika dahil nais aniyang maging transparent hanggat maari at ito ay para malaman ang katotohanan.Sinabi ni Garcia na bagamat hiningan sila ng ilang testimonya at dokumento, hindi sila na-inform tungkol sa background ng reklamo laban sa dating Comelec chairman.

 

 

Dahil dito, umapela si Garcia sa Amerika na magbigay ng impormasyon sa kaso na kinakaharap ni Bautista upang ang Comelec ay hindi nangangapa sa dilim.“Sana po ma-i-provide din sa amin para malaman natin what’s the real reason for the indictment, ‘yung puno’t dulo po para hindi naman in the dark a commission,“ dagdag pa ng poll chief.

 

 

Noong Lunes, ibinunyag ni Garcia na bumuo ng fact-finding task force upang suriin lahat ng kontrata at maghanap ng mga kaugnay na impormasyon kaugnay sa pagbili ng automated election system (AES) machines noong 2016.Itinanggi ni Bautista ang alegasyon sa X o dating Twitter.

 

 

Sinabi nito na handa niyang sagutin ang umanoy mga kaso laban sa kanya sa tamang forum at oras.  GENE ADSUARA 

Other News
  • 5,000 COVID-19 vaccine doses para sa A4 minimum wage earners at OFWs sa Labor Day

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Martes, Abril 27 ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 5,000 doses ng COVID-19 vaccine na gagamitin sa idaraos na symbolic inoculation ceremony ng mga minimum wage workers at overseas Filipino workers na nasa ilalim ng Priority Group A4 sa Mayo 1, 2021 […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 4) Story by Geraldine Monzon

    NAKATAKAS ang mga kasama ni Cecilia habang siya ay naiwan sa kamay ni Bernard.     Dahil sa narinig na putok kanina ay napilitang lumabas ng silid si Angela sa pag-aalala sa asawa. Kasunod niya si Lola Corazon.     “Bernard!”     “Natawagan mo na ba si Marcelo?”     “Oo Bernard, papunta na […]

  • Malakanyang, ibeberipika muna ang ulat na ginagawang “kubeta” ng mga barko ng China ang WPS

    “We need to verify first because that is just a report.”   Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ulat na ginagawang kubeta o tapunan ng mga ‘human waste’ o dumi ng tao ng mga barko ng China ang West Philippine Sea.   Sinabi ni Sec.Roque na hindi maingat kundi kailangan na maging […]