• September 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Cimatu, sinuspinde ang quarry operations sa Guinobatan, Albay

SINUSPINDE ni Environment Secretary Roy Cimatu ang quarry operations sa Guinobatan, Albay makaraan ang pinsala na dulot ng Bagyong Rolly.

 

Sa press briefing, sinabi ni Cimatu na may apat na katao ang namatay at tatlo naman ang nailibing ng rumagasang lahar mula Mayon Volcano.

 

Ani Cimatu, malakas kasi ang agos ng tubig- baha na nagmula sa bulkan at bumagsak sa tatlong ilog kung saan nag-o-operate ang 11 quarry o tibagan.

 

“Some of these operators left their stockpiles in the middle of these rivers kaya no’ng bumaba ‘yung tubig, malakas, dala-dala ‘yung lahar, pati ‘yung stockpiles nila boulders ay kasama na,” ayon kay Cimatu.

 

Aniya pa, ang 11 operators ay binigyan ng permit ng provincial government.

 

Dahil dito, ipinag-utos niya ang suspensyon ng mga ito kabilang na ang quarry operation sa palibot ng Mayon.

 

Nauna rito, sinabi ni Senador Bong Go na nais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang imbestigasyon ng quarrying operations matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga residente.

 

Samantala, binisita naman ni Pangulong Duterte ang Albay isang araw matapos manalasa ang bagyong rolly sa Bicol.

 

Nagsagawa rin ang Punong Ehekutibo ng aerial inspection sa Catanduanes, unang lalawigan na binayo ng bagyong rolly. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30 kinampihan si Duque sa Pfizer vaccine deal

    PINAGPAPALIWANAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa  sinasabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na “somebody who drop the ball” kaya hindi natuloy ang kasunduan ng Pilipinas sa Pfizer COVID-19 vaccine manufacturer na dapat sana ay Enero ng susunod na taon ay maidedeliver na ang bakuna.   […]

  • PBBM, pinanatili ang COVID Alert Level System; target ang bagong health restrictions classification

    SINANG-AYUNAN ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na manatili ang COVID-19 Alert Level System, sa ngayon lang habang naghahanap at pinag-aaralan na i-reclassify ang restrictions na komportable sa kasalukuyang milder strains na nakahahawa sa pasyente.     Ito’y matapos na ihayag ng mga health authorities na makapagpapalabas sila ng bagong alert level classification  sa kalagitnaan […]

  • Fil-Am rider Patrick Coo runner up sa BMX 2023

    SINIMULAN ni Patrick Bren Coo ang kampanya sa asam na magkwalipika sa unang Olympics sa Paris 2024 sa pagwawagi ng medalyang pilak sa Indonesia BMX 2023 Round 1 sa Pulonas International BMX Center sa Jakarta nitong Linggo.   “It was very, very close to the gold, but it’s racing,” sabi ni Filipino-American Coo, na naging […]