• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para sa mga aspiring singers: NINA, nag-advice na alagaan ang talent at ‘wag lumaki ang ulo

MAY advice o tips ang Diamond Soul Siren na si Nina sa mga baguhan o aspiring singers para tumagal sa industriya.

 

 

“Alagaan ang boses, alagaan ang talent, and huwag lumaki ang ulo.

 

 

“Kasi yun ang pinaka-first and foremost e, kasi automatic na parang feeling mo pag famous ka na, ang dami mo ng hindi papansinin, feeling mo yung pagiging famous mo is revenge sa kaaway mo or whatever.

 

 

“So, kumbaga do the music because you wanna do the music, don’t do it because you wanna get back at a person, don’t do it dahil gusto mo lang magyabang, gawin mo yung music or yung talent mo dahil gusto mong i-share, dahil gusto mo lang na sumikat bilang singer or musician.

 

 

“Iyon lang siguro. Huwag lalaki ang ulo.”

 

 

Magkakaroon ng concert si Nina sa November 8, 2023 sa Samsung Hall ng SM Aura Sa Taguig City na pinamagatang Only Nina.

 

 

For the first time ang director ni Nina sa kanyang concert ay si John Prats.

 

 

Ang musical director ng Only Nina ay si Bobby Velasco at available ang tickets sa SM Ticket outlets at online via smtickets.com at sa District One sa BGC.

 

 

Produced ito ng Vera Group Inc. at co-produced ng District One.

 

 

***

 

 

MULI na namang nagbigay ng karangalan sa bansa ang dalawang groundbreaking series ng GMA Entertainment Group na “Voltes V: Legacy” at “Maria Clara at Ibarra.”

 

 

 

Iyan ay matapos humakot ng parangal ang mga programa ng GMA Network sa 2023 Asian Academy Creative Awards. Kabilang diyan ang “Voltes V: Legacy” na magiging pambato ng Pilipinas sa dalawang kategorya: ang Best Animated Programme or Series (2D OR 3D) at Best Visual or Special FX in TV Series or Feature Film.

 

 

 

Nanalo rin ng National Award for Best Theme Song ang soundtrack ng “Maria Clara at Ibarra” na “Babaguhin Ang Buong Mundo” na kinanta ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.

 

 

Bilang mga National Winner, magiging kinatawan ng Pilipinas ang mga naturang programa sa Grand Awards and Gala Final na gaganapin sa December 7.

 

 

 

Ang Asian Academy Creative Awards ay kumikilala sa world-class entertainment sa iba’t ibang platform gaya ng telebisyon, digital, streaming, at iba pa.

(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • Obiena pagkatapos ng Olympics magpapabakuna

    Habang atat ang mga atletang maturukan ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine ay nagdadalawang-isip naman ang kampo ni Olympic Games-bound pole vaulter Ernest John Obiena.     Sinabi ng tatay ni O­biena na si Emerson na may masamang epekto sa atleta ang COVID-19 vaccine base sa kanilang pagtatanong.     “Base sa mga pagtatanong nila sa […]

  • Pacquiao hinamon si Marcos ng presidential debate

    HINAMON ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang karibal na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang one-on-one na debate — ito matapos umiwas ng huli sa sari-saring presidential forums at debates para sa eleksyon.     Ilang presidential forums at debates na kasi ang iniwasan ni Marcos gaya na lang ng sa […]

  • 14 mula sa 57 priority bills ng administrasyong Marcos, naisabatas na

    NAISABATAS na ang 14 mula sa 57 priority bills ng administrasyong Marcos.     Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa katatapos lamang na pagpupulong ng ika-apat na Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Marso 19.       Kabilang naman sa mga priority bills na […]