Suplay ng bigas, sapat hanggang sa susunod na taon- DA
- Published on October 10, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) sa mga sambayanang filipino na may spaat na suplay ng bigas ang bansa.
Tatagal ito ng hanggang susunod na taon dahil sa “bumper” harvest sa panahon ng wet season o tag-ulan sa bansa.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isinagawang “Bagong Pilipinas Ngayon” briefing na ang stable na suplay ng bigas ay nagsimula noong Agosto ngayong taon, at inaasahan na magtatagal hanggang sa susunod na buwan.
Winika ni De Mesa na inaasahan na nila na ang national inventory stocks ay aabot ng 77 araw ngayong buwan, inaasahan na tataas ng hanggang 94 days sa Nobyembre ngayong taon dahil sa patuloy na pag-aani ngayong tag-ulan.
Aniya pa, hindi pa naman ‘included’ ang pag-angkat ng bigas sa kanilang naging bilang.
“So, maaasahan po natin na maganda at malaki po iyong national inventory natin ng bigas … Maasahan po natin na talagang sapat at maganda at matatag po ang supply ng bigas natin na maaasahan po natin hanggang sa pagpasok po ng susunod na taon na 2024,” ani De Mesa.
Sa inaasahan na ‘stabilization’ ng suplay ng bigas, hindi naman nakikita nina De Mesa ang anumang paggalaw sa presyo ng bigas sa merkado.
“Mataas o bumper iyong ating harvest ngayong wet season. Magmula po noong katapusan ng Agosto, ngayong Setyembre hanggang Oktubre, hanggang sa Nobyembre po ay inaasahan po natin na talagang – wala po tayong inaasahan na pagsipa pa ng presyo,” anito.
“At kung papasok pa po iyong additional imports natin, nitong huling buwan ng Setyembre, pumalo po ito sa mahigit 271,000 metric tons at historically ay marami pa rin naman iyong pumapasok na imports sa last quarter na bahagi ng taon,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, sinabi naman ni De Mesa na tinatrabaho na ng pamahalaan na tapyasan ang ‘cost of production’ sa Pilipinas upang sa gayon ay matiyak ang ‘affordable prices’ sa mga pangunahing bilhin sa merkado. (Daris Jose)
-
Triggerman, Flying A sali sa Wish Olympics
ANGKLADO nina Allan ‘Triggerman’ Caidic at Johnny ‘Flying A’ Abarrientos ang Philippine Basketball Association Legends kontra isang celebrity team sa Wish Olympics sa Smart Araneta Coliseum Quezon City bukas, Linggo, Pebrero 23. Ang isang araw na okasyon ay para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero at inorganisa ng UNTV sa […]
-
GCash nagbabala laban sa gambling apps na ginagamit sa phishing
ILANG gambling sites at apps na ginamit para sa account takeovers sa pagdami ng phishing scams kamakailan ang natuklasan sa isinagawang imbestigasyon ng National Privacy Commission (NPC) at ng nangungunang mobile wallet GCash. Dagdag pa, ilang influencers ang maaaring hindi sinasadyang isinulong ang mga gaming apps na ito na hindi batid ang fraudulent […]
-
“SPIDER-MAN: ACROSS THE SPIDER-VERSE” DROPS NEW POSTER
COLUMBIA Pictures has unveiled the official poster for Spider-Man: Across the Spider-Verse which shows an upside down Miles Morales flanked by a multitude of Spider-People. Check out the poster below and watch Spider-Man: Across the Spider-Verse in Philippine cinemas June 2023. [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/m-aC_4-kAmY] About Spider-Man: Across the Spider-Verse Miles […]