• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO muling magbibigay ng driver’s license na plastic cards

MAGSISIMULA nang muling magbigay ng plastic cards na driver’s license ang Land Transportation Office (LTO) matapos ang ilang buwan na kumpirmahin ang kakulangan ng plastic cards.

 

 

 

Matatandaan na nagdesisyon ang LTO na magbigay muna ng temporary licenses na nakalagay lamang sa isang papel.

 

 

 

“We have enough numbers of plastic cards to cover the printing of the drivers’ licenses that expired on April 1 until September 30. With the help of Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, we have increased the production and speed up delivery to clear the backlog,” wika ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza II.

 

 

 

Inaasahang may darating na dalawang milyon na plastic cards sa katapusan ng October. Samantala, ang validity ng licenses na nag expired sa April 3, 2023 hanggang April 1, 2024 ay magkakaroon pa rin ng extension hanggang April 2, 2024 o di kaya ay hanggang magkaroon na ng sapat na supply ng plastic cards.

 

 

 

Naglagay din ang ahensiya ng renewal schedules sa mga licenses ng mga motoristang mag-e-expire upang maiwasan ang biglang dami ng mga tao na magre-renew ng sabay-sabay.

 

 

 

“We aim to implement a system that ensures a speedy and comfortable experience for our fellow citizens,” saad ni Mendoza.

 

 

 

Ang mga sumusunod ay ang listahan ng mga schedules:

 

  • For driver’s license na mag expired simula April 1 hanggang 30, ang schedule ng renewal dates ay mula October 6-31, 2023;
  • Para sa driver’s license na mag expired mula May 1-31, 2023, ang schedule ng renewal dates ay mula November 1-30, 2023;
  • Para sa driver’s license na mag expired mula June 1-30, 2023, ang schedule ng renewal dates ay mula December 1-30, 2023;
  • Ang driver’s license na mag expired mula July 1-31,2023, ang schedule ng renewal dates ay mula January 1-31, 2024;
  • Ang driver’s license na mag expired mula August 1-31, 2023, ang schedule ng renewal ay February 1-29, 2024; at
  • Para sa driver’s license na mag expired mula September 1-30, 2023, ang scheduled renewal dates ay mula March 1-31, 2024.

 

LASACMAR

Other News
  • CHR, kinondena ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng mga law enforcers

    HAYAGANG kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng apat na pulis na pinatay ang isang mag-ama sa isinagawang illegal drugs operation sa Caloocan City noong 2016.     Pinuri naman ng Komisyon ang naging hatol na homicide ni Caloocan City Regional Trial Court Judge Ma. Rowena Violago […]

  • Inatasan ni Speaker Lord Allan Velasco na buksan at simulan ang deliberasyon

    Inatasan ni Speaker Lord Allan Velasco ang House Committee on Constitutional Amendments na buksan at simulan ang deliberasyon sa pag-amyenda sa mga mahihigpit na probisyon sa ekonomiya, na nakasaad sa ilalim ng 1987 Saligang Batas, sa isang Resolution of Both Houses (RBH) 2 na kanyang inihain.    Ayon kay Velasco, noong inihain niya ang RBH […]

  • P1.6 B expanded Subic expressway pinasiyanan

    Nagkaron ng inagurasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at NLEX Corp para sa pagbubukas ng 8.2-kilometer na Subic Freeport Expressway (SFEX) expansion na nagkakahalaga ng P1.6 B.     Ang bagong P1.6 B na expressway project ay patuloy na ginawa kahit na may pandemia ng COVID upang magamit agad at nang magkaron […]