• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hepe ng LTFRB, sinuspinde ni PBBM

SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang puwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III sa gitna ng usapin ng korapsyon sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

 

 

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO)  na ipinag-utos ng Pangulo ang agarang imbestigasyon sa usapin lalo pa’t hindi nito kinukunsinti ang anumang maling pangangasiwa  sa kanyang administrasyon.

 

 

Hayagan din nitong kinokondena ang pagsisinungaling at pandaraya sa public service.

 

 

Sa ulat, ibinunyag  ng dating opisyal ng LTFR­B ang diumano’y talamak na korapsiyon sa ahensiya para makakuha ng permit, prangkisa at iba pa.

 

 

Sa isang press confe­rence na inihanda ng grupong Manibela sa Quezon City, sinabi ni Jeffrey Tombado, dating executive assistant ni Guadiz, mabilis ang pagkuha ng special permit, route permit, franchise at iba pa kung maglalagay ang mismong aplikante.

 

 

Inamin ni Tombado na siya ang nag-aasikaso ng mga permit sa halagang P5 milyon pero hindi lang taga-LTFRB ang nakikinabang kundi hanggang sa Malakanyang.

 

 

Binanggit ni Tombado na may mga hawak siyang ebidensiya ng korapsyon sa LTFRB at ihaharap niya ito oras na maisampa ang kaso sa mga sangkot na opisyal.

 

 

Dahil dito, inihayag ng grupong Manibela na maglulunsad sila ng transport strike sa Oktubre 16 bilang protesta sa talamak na korapsiyon sa LFTRB. Hihilingin din ng grupo na mapalawig ang deadline sa extension ng prangkisa ng mga traditional jeepney na nakatakdang matapos sa Disyembre 31, 2023.

 

 

Hindi umano sila titigil sa transport strike hangga’t hindi nagbibitiw sina Guadiz, Transportation Secretary Jaime Bautista at iba pang sangkot sa korapsiyon. (Daris Jose)

Other News
  • Ads July 23, 2020

  • Sikat na Fil-Am Drag Queen na si MANILA LUZON, dumating na sa bansa para sa ‘Drag Den Philippines’

    DUMATING sa bansa ang sikat na Filipino-American drag queen na si Manila Luzon.     Nandito si Manila Luzon para sa gagawin niyang Filipino drag race contest na Drag Den Philippines.     Pinost niya via Instagram on Sunday na naka-red outfit siya habang naka-pose sa balcony ng kanyang hotel room.     Sa Twitter […]

  • Traumatic experience para sa buong team: HERLENE, minabuting mag-back out na lang sa ‘Miss Planet International’ sa Uganda

    LUMABAS last week ang bali-balitang hindi na nga matutuloy sa November 19 ang coronation night ng Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Speke Resort, Kampala, Uganda dahil sa maraming problema.   Nag-post din sa kani-kanilang social media account sina Miss Planet Czech Republic Tamila Sparrow at Miss Planet Jamaica Tonille Watkis, na labis ang […]