• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pareho silang cover ng nagbabalik na Billboard PH: REGINE, patuloy na gumagawa ng history tulad ng ayaw paawat na SB19

AYAW paawat ng paborito naming grupo na SB19.

 

 

Paano naman, sila ang nasa cover ng nagbabalik na music magazine, ang Billboard Philippines!

 

 

Huminto ang publication ng naturang magasin noong 2018, at ngayong 2023 ay nagbabalik sila sa sirkulasyon at sino pa ba naman ang nararapat na sa cover nila kundi ang pinakasikat na boy group ngayon, ang SB19.

 

 

May pasilip na nga sa Instagram account ng Billboard Philippines sina Pablo, Ken, Josh, at Justin na as always ay very fashionable sa kanilang red suit.

 

 

Isa pang achievement ng grupo ay ang pagkakaroon na ng thirty million views sa Youtube ng kanilang phenomenal hit song na “Gento” na kahit mga foreign artists sa buong mundo ay isinasayaw ang nabanggit na awitin ng SD19.

 

 

Ang “Gento” music video ay may 30,176,847 views at mahigit 559,000 likes na sa YouTube simula ma-upload ito noong May 19, 2023.

 

 

Isa pang (walang tigil ang SB19, di ba?) achievement nila ay ang pagkakaroon na nila ng sarili nilang management company, ang 1Z Entertainment, na siyang mamamahala sa kanilang career at kung saan si Pablo ang tumatayong CEO.

 

 

Meron na rin silang sarili nilang podcast, ang “Atin Atin Lang” at sa October 28, 7 pm naman ay isang fan meet, ang “ONE ZONE” ang gaganapin sa Araneta Coliseum in celebration of their fifth anniversary.

 

 

Samantala, bukod sa SB19, may isa pang solo cover ang Billboard PH Volume 1.

 

 

Sa kanilang social media post ng makikita ang naturang cover at may caption na, “She continues to make history — a truly timeless OPM artist. Asia’s Songbird, Regine Velasquez-Alcasid, also graces the debut issue of Billboard Philippines with her exclusive solo cover.

 

 

“Let’s be a part of history. Go to SariSari.shopping to reserve a copy now.”

 

 

Ni-repost din ito ni Regine sa kanyang social media accounts na pinusuan din ng netizens. For sure, marami na ang nag-advance order ng dalawang covers ng Billboard PH.

 

 

***

 

 

ESPESYAL na okasyon para kay Ms. Arlene Butterworth ang unveiling ng Carlos L. Albert Bust na gaganapin ngayong Lunes, October 16, 2023 sa Carlos L. Albert High School sa Brixton Hills sa Quezon City.

 

 

Kinarir na ipagpatuloy ni Ms. Arlene ang naturang proyekto na sinimulan nina Mrs. Leonora Lauigan na isang retiradong principal ng CLAHS at Ms. Milet Alcala, at pinamunuan ni Ms. Arlene ng CLAHS Batch ’79 na minamahal naming kaibigan.

 

 

Bago ang unveiling ng naturang bust o estatwa ay magkakaroon muna ng isang thanksgiving mass sa ganap na alas sais y media ng umaga na susundan ng school parade of floats.

 

 

Pagkatapos nito ay gaganapin na ang makasaysayang unveiling ceremony.

 

 

Ang naturang bust project na ito ay nagkaroon rin ng katuparan sa pagkakapit-kamay at pagtutulungan ng Carlos L. Albert High School alumni at mga naging guro ng CLAHS na nag-effort upang makalikom ng kaukulang pondo upang maipagawa ang naturang bust o estatwa.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Mahihilera na kina Manny, Pia at Catriona: LEA, balitang magkakaroon na ng wax figure sa Madame Tussauds sa Singapore

    BALI-BALITANG malapit nang magkaroon ng kanyang sariling wax figure ang Filipina international star na si Ms. Lea Salonga sa Madame Tussauds Wax Museum.     Ayon sa Merlin Entertainments, ang company na nag-o-operate ng Madam Tussauds, pinipili na nila ang next Filipino celebrity para mai-display sa bagong branch ng Madame Tussauds sa Singapore.     […]

  • 500k doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Sinovac dumating na sa Pinas

    DUMATING na kanina noong Linggo ang karagdagang 500,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na gawa ng Sinovac.   Ang bakuna ay “on board flight PR359” mula Beijing, gamit ang A330 aircraft.   Ang Pilipinas ay bumili ng 25 million doses ng Sinovac vaccine, kung saan ang 1 milyong doses ay natanggap ng bansa […]

  • Sa Los Angeles na ipu-pursue ang singing career… JAMES, naging emosyonal ang paggo-goodbye at pinabaunan ng ‘goodluck’ ng netizens

    NAGING emosyonal ang paggo-goodbye ni James Reid sa kanyang pamilya na naghatid sa airport dahil tuluyan itong umalis ng bansa at papunta ng Los Angeles.     Binigyan din siya ng farewell party ng mga kaibigan dahil nagdesisyon na nga si James na I-pursue ang career sa Amerika, particular na sa kanyang international collabs sa […]