Ibinuking na nagtatago sa banyo ‘pag nagti-Tiktok: DENNIS, idinaan sa nakaaaliw na video ang sagot sa paratang ni JENNYLYN
- Published on October 14, 2023
- by @peoplesbalita
BINUKING ni Jennylyn Mercado ang mister na si Dennis Trillo na nagtatago ito sa banyo kapag gumagawa ito ng content para sa Tiktok.
Idinaan na lang ni Dennis Trillo sa isang nakaaaliw na Tiktok video ang paratang ng kanyang misis.
Sinagot ng ‘Love Before Sunrise’ star ang pagbubuking sa kanya ni Jen sa pag-post ng isang video na dinub niya ang song na “Janice” ng bandang Dilaw.
Nilagyan niya ito ng caption na: “Nasa taping ako, hindi ako nagtatago at wala ako sa cr.”
Wala pang 24 oras, mayroon na agad 1.2 million views ang nasabing TikTok video ni Dennis. Sa ngayon ay may 1.1 million followers at 14.8 million likes na ang TikTok page ni Dennis.
***
OPISYAL na pumirma na with GMA Music ang grand champion ng The Clash 2023 na si Rex Baculfo a.k.a. John Rex.
Ang nakilalang “Simpatikong Bokalista” ng Caloocan City ay magsisimula na ng kanyang musical journey sa music arm ng GMA Network.
“I’m extremely happy because I am able to do what I love for a living. This is what I’ve dreamed of, what I’ve prayed for, and now I am finally here, performing for a larger audience. I hope they’re happy because that’s really my ultimate goal. My aim is to perform and entertain many people,” sey ni John Rex.
Si John Rex ang boses sa likod ng theme song ng top-rating GMA Afternoon Prime teleserye na “Magandang Dilag”. Regular din siyang performer sa ‘All-Out Sundays’ kasama ang iba pang Clashers na sina Jeremiah Tiangco, Thea Astley, Jessica Villarubin, Mariane Osabel at Vilmark Viray.
***
TAMPOK ang P-Pop Kings na SB19 bilang cover stars ng nagbabalik na Billboard Philippines.
Sa Instagram ng naturang music media brand, ipinakita ang angas na may style ng SB19 members na sina Stell, Pablo, Ken, Josh, at Justin suot ang kanilang red suit sa isang puting background.
Nito lang ding Oktubre, inanunsyo ng SB19 ang paglulunsad ng sarili nilang kumpanya na 1Z Entertainment, kung saan magsisilbi si Pablo bilang CEO nito.
Inilunsad din ng grupo ang kanilang unang podcast na “Atin Atin Lang.”
Sa Oktubre 28 naman, gaganapin ng SB19 ang kanilang fan meet na pinamagatang “ONE ZONE” bilang pagdiriwang ng kanilang ikalimang anibersaryo sa Araneta Coliseum ng 7 p.m.
Samantala, nagbabalik naman ang Billboard Philippines matapos tumigil sa operasyon noong 2018.
Nasa ilalim itong Modern Media Group Inc. (MMGI) ng AGC Power Holdings Corp, ang kumpanyang nag-aasikaso rin ng Vogue Philippines at NYLON Manila.
(RUEL J. MENDOZA)
-
30-K manok sa Pampanga, isinailalim sa culling dahil sa bird flu
Kinumpirma ng Department of Agriculture na mahigit 30,000 manok sa Central Luzon ang isinailalim sa culling. Ito ay mtapos na maitala ang avian influenza infection sa isang farm sa bayan ng San Luis sa Pampanga. Ayon sa ahensya, kaagad na inilibing ang mga kinatay na manok upang sa gayon ay maiwasan na ang […]
-
PBBM, ipinag-utos ang pagbibigay ng insentibo, rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga awtoridad ang pagbibigay ng one-time service recognition incentive na may uniform rate na hindi lalagpas sa P20,000 para sa executive department personnel. Nagpalabas ang Pangulo ng administrative orders na naglalayong magbigay ng service recognition incentive (SRI) para sa mga empleyado sa executive department at […]
-
51 LONG-TERM PARTNERS KINASAL SA LIBRENG KASALAN BAYAN SA NAVOTAS
UMABOT sa 51 long-term partners ang nagpakasal sa mass wedding na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco na sinaksihan ni Cong. Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at mga miyembro ng konseho ng lungsod. Ang Kasalang Bayan, na regular na ginagawa sa Araw ng mga Puso […]